Isang lalaki ang patay nang mabundol ng isang motorsiklo habang naglalakad pauwi sa Rodriguez, Rizal nitong Sabado ng gabi.

Naisugod pa sa Casimiro Ynares Medical Center sa Brgy. Burgos ang biktimang si Ruel Buenvenida, 38, ngunit binawian ng buhay dahil sa pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Benedict Astrologo, 37, na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, dakong alas-11:42 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Phase 9 Eastwood Residence, sa Brgy. San Isidro, bayan ng Rodriguez.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nabatid na sakay si Astrologo ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang naturang lugar nang bigla na lang itong mawalan ng kontrol sa behikulo at minalas na mabundol ang biktima na noon ay kasalubong nito at naglalakad nang pauwi.

Tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong kalsada na nagresulta sa pagkasugat nito at kalaunan ay pagkamatay.