Viral ngayon sa Facebook ang paggiling ni Kakai Bautista suot ang two-piece swimwuit kamakailan. Tumalak naman ang singer-actress matapos sawayin siya ng mga “Marites” sa kanyang paghuhubad.

Tila naenjoy ng Kapuso actress ang kanyang bakasyon kamakailan at confident na ibahagi nito ang kanyang beach getaway kamakailan.

Suot ang lavender na two-piece bikini ay confident din na gumiling si Kakai sa tugtog na “Work” ni Rihanna.

Mukhang hindi naman nagustuhan ng lahat ilang Marties na netizens ang paghuhubad ng komedyana. Kaya naman walang pagpipigil an rumesbak ang aktres sa mga ito nitong Linggo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Nakakatawa ‘yung mga nagko-comment na halos ka-age ko. Or mas matanda ng konti sa akin,” komento Kakai nitong Linggo, Abril 10 sa kanyang mismong Facebook video na ipinost kamakailan.

Anang 43 anyos na aktres sa mga Marites: ‘Wag nyo ISISI sa akin ang mga BAGAY na hindi nyo KAYANG GAWIN in PUBLIC. Watch na lang. Kung ayaw, wag kayo dito. Simplehan naten ang buhay. Kung gusto, salamat!”

“Try n’yong wag pakialaman ang buhay ng mga hindi nyo naman pinapalamon, MAS SASAYA ang mga buhay nyo. Walang nagtatagumpay na nega ang pagiging inggitera. Maniwala kayo sa akin [emoji],” maanghang na hirit pa ni Kakai.

Nasa 1.1 million views na ang nasabing video sa Facebook.

Sa huli, isang paalala ang iniwan ng aktres sa kanyang bashers.

“Enjoy lang ang buhay! Pa-end of the world na ganyan pa din ang mga ugali.[emoji]”