Usap-usapan ngayon ang ginawang proposal ni University of the Philippines Fighting Maroons varsity player Ricci Rivero kay Kapamilya actress Andrea Brillantes, sa mismong venue kung saan naganap ang laban ng UP at Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa basketball.

Makikita sa mga viral videos na kinuha ng 23 anyos na basketball heartthrob ang mikropono sa Mall of Asia Arena, at saksi ang mga naroon ay tinanong ni Ricci ang 19 anyos na dalaga kung puwede bang maging sila.

"Can I ask Blythe (Andrea) to be my girlfriend?" tanong ni Ricci habang naghihiyawan sa kilig ang mga taong saksi sa paligid. Sa magkabilang gilid naman ay may dalawang taong may bitbit na itim na damit na may nakalagay na 'YES' at 'NO'. Pinili ni Andrea ang YES hanggang sa naging emosyunal na ito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa Twitter ni Ricci, agad na ipinahayag ng basketball player ang kaniyang kasiyahan: nakadalawang panalo nga naman siya ng gabing iyon!

"GOT TWO WINS TODAY! #UPFight || TAKEN," saad sa tweet ni Ricci.

Screengrab mula sa

Samantala, ibinahagi naman ni Andrea sa kaniyang IG stories ang litrato niya na suot-suot ang damit na may YES habang may bouquet of flowers.

Andrea Brillantes (Larawan mula sa TikTok/IG)

Matatandaang naging usap-usapan sa social media, partikular sa TikTok, ang mga kumakalat na litrato nilang dalawa na umano'y magkasama raw sila dahil sa parehong background at isang lalaking restaurant staff na kasama nila sa iisang litrato.

Ibinahagi naman sa FB page na 'Davinci Quotes' ang tila resibong nakuha mula sa TikTok, na suot-suot umano ni Andrea ang jersey o uniporme ni Ricci sa pagbabasketball, na may numerong '25'.

Isa rin ito sa mga 'pasabog' na inurirat ng self-proclaimed na 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza sa kaniyang Facebook post, nitong Marso 13, 2022. Kalakip nito ang viral photos nina Ricci at Andrea.

"Isyus Manager, pakialam kung bakit sila magkasama. Hindi ka sasahod sa akinse hangga't 'di mo nalalaman," nakalagay sa caption ng FB post ni Xian.

Matatandaang noong Pebrero 22, 2022 nagsimula ang bulung-bulungang mukhang may namamagitan na umano sa kanilang dalawa, dahil sa kanilang mga caption sa IG posts nila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/ricci-andrea-naispatan-daw-na-magkasama-tanong-ng-mga-netizen-may-namamagitan-ba/">https://balita.net.ph/2022/03/14/ricci-andrea-naispatan-daw-na-magkasama-tanong-ng-mga-netizen-may-namamagitan-ba/

'Hi', sey ni Ricci, kasama ang petsang 2/22/22.

'Hello,' saad naman ni Andrea, na may petsang 2/22/22.

Subalit hindi nila kinumpirma kung may kinalaman sa isa't isa ang kanilang mga IG post o nagkataon lamang at nabigyan ng malisya, batay sa napansin ng mga netizen.

Sa 19th birthday naman ni Andrea, pinutakti ng mga netizen ang birthday message ni Ricci para kay 'Blythe'. Tinawag pa niya itong 'Drew'. Saad ni Ricci,

"Happy Birthday, drew! :))" saad ni Ricci.

Nagngitngit naman ang mga SethDrea fans o tagahanga ng tambalan nila ni Seth Fedelin, dahil sana raw ay nag-PM na lang daw si Ricci bilang respeto umano sa tambalan.

"Pwede naman personal na lang siya mag-greet kay Blythe may pa-Drew pa daw. Hindi ko siya binabash peo sa respeto sa lt (love team)."

"@ricciiirivero respect na lang sa love team."

"@ricciiirivero sa dami ng bumati ikaw lang di ko nagustuhan."

Sa ngayon kinakikiligan din ang tambalan nina Ricci Rivero at Sharlene San Pedro na tinatawag na 'SharCci'.

Si Andrea naman, hindi pa tinutuldukan ang naging chika hinggil sa hindi umano nila pagkakaunawaan ni Francine Diaz, sa isyu ng pag-unfollow umano nila sa isa't isa nang dahil kay Seth Fedelin.