Enggrandeng ipinagdiwang ang ika-18 kaarawan ni Veronica “Kitty” Duterte, bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte at common-law wife nitong si Honeylet Avanceña, Sabado ng gabi, Abril 9.

Isang intimate ngunit magarbong pagdiriwang ang idinaos ng pamilya ni Pangulong Duterte para sa debut ng anak na si Kitty  sa Dusit Thani Grand Ballroom sa lungsod ng Davao.

Sa mga larawang ibinahagi ng mga dumalo sa pagdiriwang, kapansin-pansin ang kulay pula at gintong motiff ng pagtitipon. Parehong kombinasyon ng kulay din ang suot na gown ng debutanteng si Kitty.

Agad ding nag-viral sa Facebook ang bidyo ng pagsayaw ng Pangulo sa bunsong anak sa isang saliw ng tugtugin.  

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-alay din ang dating Chief Presidential Legal Counsel ni Duterte na si Salvador "Sal" Panelo ng awiting “Sana’y Wala Nang Wakas” para kay Kitty.

Present sa pagtitipon ang mga bigating ninong at ninang ng debutante kabilang sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang bilyonaryo at dating senador na si Manny Villar, Pastor Apollo C. Quiboloy, bukod sa iba pa.