Hangang-hanga ang mga netizen at maging mga celebrity friends ni Kapuso actress Jennylyn Mercado matapos niyang ibahagi ang kaniyang maternity shoots sa Instagram, sa photography at creative direction ni BJ Pascual, noong Abril 6.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/mga-tagahanga-napanganga-sa-maternity-shoots-ni-jennylyn-mercado/">https://balita.net.ph/2022/04/10/mga-tagahanga-napanganga-sa-maternity-shoots-ni-jennylyn-mercado/

Anomang oras ay manganganak na si Jen sa susunod na buwan, kaya ibinahagi niya sa social media ang kanilang kasiyahan ng mister na si Kapuso actor Dennis Trillo.

Ikinasal sina Jennylyn at Dennis noong Nobyembre 2021. Ito ang pangalawang anak ni Jen subalit panganay naman nila ni Dennis.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Malaki na rin ang anak nina Jennylyn at dating karelasyon na si Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Sa unang litrato, ibinida ni Jennylyn ang baby bump habang nakasuot siya ng wine-red dress, at sa kaniyang background ay makikita ang mga bulaklak.

Ang isa naman ay nakasuot siya ng red headdress, at natatakpan ng flimsy piece ng cloth ang kaniyang katawan.

Ang pangatlo naman ay para siyang engkantada dahil sa kaniyang flower headdress at kulay-brown na dress. Kitang-kita rito ang kaniyang maumbok na tiyan.

Syempre, proud na proud naman ang kaniyang mister na si Dennis.

"Asawa ko 'yan," saad ni Dennis sa comment section sa isa sa mga IG post ni Jen.

Ilan sa mga celebrity friends na napa-wow sa maternity shoot photos ay sina Angel Locsin, Iya Villania, Kim Molina, Paolo Ballesteros, DJ Chacha, Yasmien Kurdi, at marami pang iba. Isa na rito si Kapuso star Carla Abellana na hanggang ngayon ay hindi pa rin iniiwanan ng intriga hinggil sa tunay na estado ng marriage nila ni Tom Rodriguez.

Komento ni Carla, "The best maternity shoot!!!" at "Wow!"

Nagbigay naman ng reaksyon dito ang mga netizen.

"Goddess ka rin po siguro sa maternity shoot n'yo po… hopefully kayo naman."

"@carlaangeline sana ikaw naman ang next, alam ko ganyan ka rin kaganda!"

"Kailan ang sa 'yo?"

"Sana ikaw na next magka-baby!"

Screengrab mula sa IG/Jennylyn Mercado

Samantala, wala namang tugon si Carla sa mga udyok at tanong ng mga netizen sa kaniya tungkol dito.

Ang huling balita tungkol sa kanilang dalawa ni Tom ay nang linawin ni PJ Abellana ang nauna niyang pahayag na 'one night stand' umano ang pinag-ugatan ng hindi pagkakaunawaan ng celebrity couple.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/16/rey-pj-abellana-nilinaw-at-ipinaliwanag-na-walang-naganap-na-one-night-stand-si-tom-rodriguez/">https://balita.net.ph/2022/03/16/rey-pj-abellana-nilinaw-at-ipinaliwanag-na-walang-naganap-na-one-night-stand-si-tom-rodriguez/

Hanggang ngayon, wala pang pahayag ang mag-asawa tungkol sa mga isyu sa kanila