Magkasunod na pumanaw ang ina at kapatid na lalaki ni Raquel Pempengco, ang ina ng singer na si Jake Zyrus, kaya naman kinakailangan

Pumanaw ang lola ni Jake na si 'Tes Pineda Relucio noong Linggo lamang, Abril 3, na hindi na nagising mula sa pagkakahimbing.

Pagkatapos nito, ang kapatid naman niyang si Robert Pineda Relucio ang nasawi ngayong Miyerkules ng madaling-araw, Abril 6, dahil sa aksidenteng kinasangkutan sa motorsiklo.

Nitong Biyernes, Abril 8, sa pamamagitan ng kaniyang manager na si Carl Cabral ay ipinahayag ni Jake ang kaniyang pagdadalamhati at pagluluksa sa magkasunod na pagpanaw ng lola at tiyuhin, ayon sa ABS-CBN News.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/09/jake-zyrus-pribadong-nagluluksa-sa-magkasunod-na-pagkamatay-ng-lola-tiyuhin/">https://balita.net.ph/2022/04/09/jake-zyrus-pribadong-nagluluksa-sa-magkasunod-na-pagkamatay-ng-lola-tiyuhin/

“We are deeply saddened to hear about the passing of Lola Thess and Tito Obet. I am constantly communicating with one of the family members," pahayag ng manager.

"This is a heartbreaking time for the family and those who love them dearly. Let us help the bereaved to mourn privately."

"We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss."

Nakikipag-ugnayan na raw ang kampo ni Jake sa kaniyang mga kaanak.

Ngunit ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP noong Abril 6, lumapit sa kanila si Raquel upang humingi ng tulong dahil hindi pa nagpaparamdam sa kanila si Jake. Kailangang-kailangan umano niya ng tulong para sa mga gastusin dahil dalawa ang patay ngayon sa kanilang pamilya.

Namatay umano ang kapatid niya dahil sa pagbabantay sa burol ng kanilang ina.

“Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko," mensahe at panawagan ni Raquel sa anak. Nasa Amerika daw ito ngayon at matagal na umano silang hindi nakakapag-usap.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/06/jake-zyrus-wala-raw-paramdam-raquel-pempengco-humingi-ng-tulong-para-sa-namatay-na-nanay-kapatid/">https://balita.net.ph/2022/04/06/jake-zyrus-wala-raw-paramdam-raquel-pempengco-humingi-ng-tulong-para-sa-namatay-na-nanay-kapatid/

Kasalukuyang namamalagi sa Amerika si Jake pero, ayon kay Raquel, matagal na itong hindi nakikipag-ugnayan sa kaniya. Ayon ulit sa eksklusibong panayam ng PEP, nakarating na kay Raquel ang mensahe ng talent manager ng anak, ngunit ang tanong niya, bakit hanggang ngayon daw ay wala pang paramdam si Jake sa kanila?

Sa darating na Linggo, Abril 10 na raw ang sabay na cremation ng yumaong ina at tiyuhin. Ipinagpaliban na raw nila ang cremation dahil nais nga niyang makapunta ito sa huling hantungan ng lola at tiyuhin.

Pakiusap ni Raquel, kahit hindi na raw tumulong ang anak, basta makapunta lamang ito sa cremation at makapagbigay-pugay sa yumaong lola at tiyuhin.

Nagpasalamat naman ang ina ni Jake sa pagbuhos ng tulong sa mga kaibigan, dating kasamahan, mga kaanak, at maging mga tagahanga ni Jake na nag-ambag-ambag para sa tulong pinansyal.

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang kampo ni Jake tungkol sa mga sinabi ng mismong ina nito. Hindi pa kumpirmado kung makakauwi ng Pilipinas ang singer upang masaksihan ang cremation ng mga mahal sa buhay na namayapa.