Hindi nagpatalbog ang Kapamilya actress na si Lovi Poe matapos niyang ibida ang pagrampa niya sa Hollywood Red carpet premiere ng 'Better Call Saul' sa California, USA, para sa final season nito.

Makikita sa kaniyang Instagram post nitong Abril 8, 2022 ang video clip ng posing niya sa red carpet habang panay click ang ilaw ng mga camera sa kaniya. Nakasuot siya ng black suit na may deep V-neck

"At the Hollywood Red carpet premiere of AMC's 'Better Call Saul'. Congratulations on your Sixth & Final Season, guys! Can’t wait to watch!," saad sa caption ni Lovi.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa IG/Lovi Poe

Ibinahagi rin ni fashion stylist Adrianne Concepcion na siyang nag-ayos kay Lovi para sa naturang red carpet event ang litrato ng aktres, via Instagram stories.

“Lovi Poe at the red carpet premiere of ‘Better Call Saul’ season 6,” aniya.

Maging sa kaniyang IG stories ay nagbahagi rin ng mga litrato si Lovi.

This image has an empty alt attribute; its file name is lovi-poe-2.jpg
Screengrab mula sa IG/Lovi Poe

Nakaabang na ang mga tagahanga ni Lovi sa unang tambalan nila ni Piolo Pascual sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama na 'Flower of Evil'. Ito rin ang una niyang teleserye sa Kapamilya Network.