Kamakailan lamang ay pumutok ang malungkot na balitang magkasunod na pumanaw ang ina at kapatid na lalaki ni Raquel Pempengco, ang ina ng singer na si Jake Zyrus.

Pumanaw na ang lola ni Jake na si 'Tes Pineda Relucio noong Linggo lamang, Abril 3, na hindi na nagising mula sa pagkakahimbing.

Pagkatapos nito, ang kapatid naman niyang si Robert Pineda Relucio ang nasawi ngayong Miyerkules ng madaling-araw, Abril 6, dahil sa aksidenteng kinasangkutan sa motorsiklo.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP ngayong Abril 6, lumapit sa kanila si Raquel upang humingi ng tulong dahil hindi pa nagpaparamdam sa kanila si Jake. Kailangang-kailangan umano niya ng tulong para sa mga gastusin dahil dalawa ang patay ngayon sa kanilang pamilya.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/06/jake-zyrus-wala-raw-paramdam-raquel-pempengco-humingi-ng-tulong-para-sa-namatay-na-nanay-kapatid/">https://balita.net.ph/2022/04/06/jake-zyrus-wala-raw-paramdam-raquel-pempengco-humingi-ng-tulong-para-sa-namatay-na-nanay-kapatid/

Namatay umano ang kapatid niya dahil sa pagbabantay sa burol ng kanilang ina.

“Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko," mensahe at panawagan ni Raquel sa anak. Nasa Amerika daw ito ngayon at matagal na umano silang hindi nakakapag-usap.

Kasalukuyang namamalagi sa Amerika si Jake pero, ayon kay Raquel, matagal na itong hindi nakikipag-ugnayan sa kanya.

Samantala, nitong Biyernes, Abril 8, sa pamamagitan ng kaniyang manager na si Carl Cabral ay ipinahayag ni Jake ang kaniyang pagdadalamhati at pagluluksa sa magkasunod na pagpanaw ng lola at tiyuhin, ayon sa ABS-CBN News.

“We are deeply saddened to hear about the passing of Lola Thess and Tito Obet. I am constantly communicating with one of the family members," pahayag ng manager.

"This is a heartbreaking time for the family and those who love them dearly. Let us help the bereaved to mourn privately."

"We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss."

Nakikipag-ugnayan na raw ang kampo ni Jake sa kaniyang mga kaanak.