Bukod sa pagkilala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sewage at solid waste treatment plant (SSTP) katulad ng sa El Nido, Palawan, hinikayat ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang mga lokal na opisyal na turuan at maging inspirasyon ng publiko ang pagkakaroon ng epektibo at maayos na implementasyon sa tamang pamamahala sa basura.

Aniya, habang ang SSTP ay tumutulong sa pagbawas sa fecal coliform level sa El Nido ay hindi ito sapat upang maprotektahan laban sa pagkasira ng kapaligiran kung ang mga tao ay hindi tutulong at makikibahagi sa konserbasyon nito.

Binisita ng DENR ang El Nido, Palawan noong Abril 2 at kinilala ang pagsisikap ng municipal at provincial governments sa pagpapatayo ng STTP at operasyon nito na pinasinayaan noong Setyembre 2021.

Ang P490-million state-of-the-art SSTP na matatagpuan sa Barangay Villa Libertad ay idinisenyo bilang sagot sa polusyon sa tubig dulot ng untreated sewage discharge at garbage waste disposal.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman