Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang presensya ng sexy comedian actress na si Rufa Mae Quinto sa campaign rally ng Team Pacquiao sa Dumaguete City noong Abril 2, 2022, at pasabog na inawit ang 'Fireworks' ni Katy Perry.

Matatandaang nauna na siyang naispatan sa UniTeam sortie sa Zamboanga kaya litong-lito na ang mga katkatera at sawsawera kung sino ba talaga ang betsung niyang kandidato.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/29/rufa-mae-trending-dahil-pro-bbm-booba-nga-sey-ng-netizen/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/29/rufa-mae-trending-dahil-pro-bbm-booba-nga-sey-ng-netizen/

Mabalik sa kaniyang pagtatanghal sa campaign sortie ni Sen. Pacquiao, talaga namang pasabog si Rufa Mae dahil aksidenteng nag-'Hello Philippines, Hello World' ang kaniyang boobey na ikinagulat niya at pati na rin ng audience na lumuwa ang mga mata sa kanilang nasaksihan. Kumalat pa sa social media ang mga kuhang litrato nito.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kuha mula sa TikTok

Napag-usapan naman nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa kanilang showbiz vlog na 'Showbiz Update' ang mga nakakalokang pangyayari.

“Yung iba ang inakala nila ay parang sinadya raw ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae)" sey ni Ogie.

Tila hindi naman sang-ayon si Mama Loi na gagawin iyon ni Rufa Mae, bagama't sanay na raw itong kumakawala ang boobelya niya sa suot niya.

“Pero hindi naman siguro big deal ‘yan kay Peachy kung nag-hello man ang kanyang boobs. E, alam mo naman si Peachy di ba, dati pa naman? Dati pa naman na siyang nangganyan, parang small deal lang ‘yan, eh,” dagdag ni Ogie.

Samantala, sinabi naman ni Rufa Mae na naghihinagpis siya sa pagkamatay ng kaniyang kapatid kaya napauwi rin siya sa Pilipinas.

"Umuwi pala kami ni @alexandriamagallanes galing America para sayo Vincent, ang pogi at mabait kong kapatid. Rip. Mahal ka namin @symonkeyking," ani Rufa Mae sa kaniyang Instagram post.

"Grabe pala malagasan ng kapatid. Iba din," dagdag pa niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/08/rufa-mae-namatayan-ng-kapatid-grabe-pala-malagasan-ng-kapatid-iba-din/">https://balita.net.ph/2022/04/08/rufa-mae-namatayan-ng-kapatid-grabe-pala-malagasan-ng-kapatid-iba-din/

Hanggang ngayon tuloy ay hindi alam ng mga netizens lalo na ng kanyang mga fans kung sino nga ba ang sinusuportahan talaga ng aktres. Hinihintay na rin tuloy nila kung kaninong campaign rally naman ang pupuntahan ng aktres.