Mas bata ng sampung taon ang sinasabing edad ni Dra. Vicky Belo sa tuwing tatanungin siya ng pitong taong-gulang na anak na si Scarlet Snow.
Ito ang ibinulgar ng 65-anyos na na celebrity doctor sa isang panayam ng PEPph noong Marso.
Wala mang balak si Dra. Vicky na itago ang kanyang totoong edad sa publiko ngunit hindi niya mapigilang ilihim ito kay Scarlet Snow.
Pagbabahagi niya sa press, nag-aalala umano ang kanyang 10 taong-gulang na anak dala ng takot nitong maulila siya sa ina dahil sa
“I never lie about it, but Scarlet is so worried about my age,” ani Dra. Vicky.
“She's so fearful. She always ask me, 'Mom, how old are you? How old are you?'” ani Dra. Vicky na noong una’y hindi niya maunawaan kung bakit paulit-ulit na tinatanong ng anak ang kanyang edad.
“Then I realized she's scared of me dying because I'm old,” pagbabahagi ng celebrity mom. Simula noon, napagpasyahan ng ina na sa halip na 65 ay 55 anyos ang sabihing edad kay Scarlet Snow.
May pakiusap din ang doktor sa press people na ang nasabing edad ang sabihin kay Scarlet sakaling magtanong ito.
Noong Marso nagdiwang ng ikapitong kaarawan si Scarlet. Isang nakakaantig na photo gallery at mensahe ang ipinaskil ng beauty doctor sa kanyang Instagram.
“Seven already? Looking back at these photos I can see how much you’ve grown but i’m also wishing how time would slow down@scarletsnowbelo. You are God’s gift to us and I thank Him everyday for your hugs and kisses 😘 we love you so much Scarlet ! Happy Birthday 🎂” mababasa sa post ni Dra. Vicky.
Proud mom and dad sina si Dra. Vicky at Dr. Hayden Kho sa mga achievements ng anak sa murang edad nito.