Patay ang isang babaeng pulis at apat pang kasamahan ang nasugatan matapos sumalpok sa puno ang sinasakyang patrol car sa Tampilisan, Zamboanga del Norte nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng Tampilisan Municipal Police, dead on arrival sa Liloy District Hospital si Patrolwoman Florilyn Balansag dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Kinilala ng pulisya ang apat pang nasugatan na sina Patrolman Ray Francisco (driver), S/Sgt. Eric Panangitan, Patrolwoman Princess Ann Adaza, at Patrolwoman Cherrie Ann Armuganda, pawang miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company.

Patungo na sana ang mga ito saZamboanga del Norte Provincial Police Office upang magsilbi bilang reactionary standby support force, sakay ng mobile car nang maganap ang aksidente sa national highway sa Barangay Sto.Niño, dakong 3:20 ng hapon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi pa ng pulisya na madulas ang kalsada dahil malakas ang ulan kaya sumalpok ang mga ito sa isang punongkahoy.

Liza Abubakar-Jocson