Natimbog ng pulisya ang isang Briton kaugnay ng kinakaharap na kasong child abuse sa Puerto Princesa City, Palawan kamakailan.

Nasa kustodiya na ng Puerto Princesa City Police Station 1 ang akusadong si Derek John Ambridge, 78, matapos maaresto sa bahay nito sa Barangay Santa Monica ng lungsod nitong Miyerkules, Abril 6.

Ang pagdakip ay isinagawa ng mga tauhan ngPolice Station 1 at Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Palawan Provincial Field Unit sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ngRegional Trial Court (RTC) Branch 47 sa Puerto Princesa Citysa 2 counts na paglabag sa Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Inirekomenda ng hukuman ang piyansang₱200,000 sa bawat bilang ng kaso nito.

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote

Sa rekord ng pulisya, kabilang si Ambridge sa most wanted persons sa lungsod kaugnay ng kinakaharap na kaso.

Jerry Alcayde