Hindi pa tapos si Manay Lolit Solis kay Bea Alonzo.

Matapos banatan ang Kapuso actress dahil sa pagharang umano sa kaniya ng kampo nito na makadalo sa press conference ng bagong beauty product na ineendorso nito, ibinuking na na-late nang dalawang oras sa presscon, at mukha nang 'mashonda', may panibago na namang banat ang showbiz columnist sa aktres.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/30/bea-2-oras-daw-late-sa-isang-launch-sey-ni-lolit-nagtagal-daw-sa-pagtakip-ng-wrinkles/">https://balita.net.ph/2022/03/30/bea-2-oras-daw-late-sa-isang-launch-sey-ni-lolit-nagtagal-daw-sa-pagtakip-ng-wrinkles/

Ibinahagi ni Lolit sa kaniyang Instagram post noong Abril 4 ang screengrab ng litrato ng aktres na si Ana Jalandoni kasama ang abogadong si Atty. Faye Singson, kung saan inilahad nito ang tungkol sa kaniyang side story sa insidente ng pambubugbog sa kaniya ng nobyong Kapamilya actor na si Kit Thompson.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Ana Jalandoni at Atty. Faye Singson (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

Aniya, parang mas sikat pa raw ngayon si Ana kaysa kay Bea dahil mas pinag-uusapan pa raw ito ngayon. Parang mas gusto na lamang daw niyang tumutok sa mga pasabog ni Ana kaysa kay Bea na sawa na raw siya.

"Naku Salve, parang naisip ko mas sikat si Ana Jalandoni kesa kay Bea Alonzo. Imagine mo part 1 and 2 ang interview ni Boy Abunda kay Ana Jalandoni, tapos lagi pa siyang headline ng PM at PSN at iba pang tabs. Kaya parang mas gusto ko na mag- concentrate kay Ana Jalandoni, sawa na ako kay Bea Alonzo," aniya.

"Saka mas mukhang yummy si Ana dahil ayaw pawalan ni Kit Thompson. Mukhang baliw sa pag-ibig si Kit kay Ana eh si Bea na-ghosting. Kaya now, kay Ana Jalandoni na lang ako, mas sikat pa kay Bea. Stop Bea Alonzo na ako, promise para hindi na sakit ulo ni Shirley Kuan kaiisip kung ano gagawin para i-cancel tayong 3 nila Gorgy."

"Kaya Salve huwag ka nang maghanap photos ni Bea Alonzo na baka photoshop pa kaya wala masyado dahil hindi ko na siya IG. Buti pa si Ana Jalandoni, sexy at bata pa."

Samantala, wala pang reaksyon o tugon ang kampo ni Bea sa lahat ng mga patutsada sa kaniya ng showbiz columnist. Ipinaliwanag din ni Ogie Diaz kung bakit 'beast mode' si Lolit kay Bea.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/05/manay-lolit-bakit-nga-ba-galit-kay-bea-alonzo-ogie-diaz-may-isiniwalat/">https://balita.net.ph/2022/04/05/manay-lolit-bakit-nga-ba-galit-kay-bea-alonzo-ogie-diaz-may-isiniwalat/