Sunod-sunod ang dagok na kinahaharap ng ina ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) na si Raquel Pempengco matapos magkasunurang namatay ang kaniyang ina at ang kapatid na 52 anyos, nitong linggo lamang.

Pumanaw na ang lola ni Jake na si 'Tes Pineda Relucio noong Linggo lamang, Abril 3, na hindi na nagising mula sa pagkakahimbing.

Pagkatapos nito, ang kapatid naman niyang si Robert Pineda Relucio ang nasawi ngayong Miyerkules ng madaling-araw, Abril 6, dahil sa aksidenteng kinasangkutan sa motorsiklo.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP ngayong Abril 6, lumapit sa kanila si Raquel upang humingi ng tulong dahil hindi pa nagpaparamdam sa kanila si Jake. Kailangang-kailangan umano niya ng tulong para sa mga gastusin dahil dalawa ang patay ngayon sa kanilang pamilya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Namatay umano ang kapatid niya dahil sa pagbabantay sa burol ng kanilang ina.

“Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko," mensahe at panawagan ni Raquel sa anak. Nasa Amerika daw ito ngayon at matagal na umano silang hindi nakakapag-usap.

Kasalukuyang namamalagi sa Amerika si Jake pero, ayon kay Raquel, matagal na itong hindi nakikipag-ugnayan sa kanya.

Ang huling balita kay Jake ay nang ibahagi niya sa social media ang bagong development sa kaniyang transformation.

“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,” mababasa sa caption ni Jake sa isang mahabang post sa Instagram at Facebook noong Pebrero 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/19/jake-zyrus-pinalaya-ang-sarili-transition-ng-katawan-nilantad-sa-social-media/">https://balita.net.ph/2022/02/19/jake-zyrus-pinalaya-ang-sarili-transition-ng-katawan-nilantad-sa-social-media/

Habang isinusulat ito, wala pang update kung na-contact na ba ni Mommy Raquel si Jake.