Muntik nang magsapakan sina Barangay Ginebra player Arvin Tolentino at Meralco power forward Raymar Jose sa hallway patungo sa kani-kanilang locker room sa Game 1 ng PBA Season 46 Governors' Cup Finals sa Smat-Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng gabi.

Ilang minuto pagkatapos ng laro kung saan natalo ng Bolts ang Gin Kings, 104-91, nauna na si Tolentino sa labas ng kanilang dugout upang hintayin ang pagdaan ni Jose na papasok naman sa locker room ng Meralco.

Nang dumating si Jose ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo at umamba rin si Tolentino na susugurin ang una.

Gayunman, napayapa rin ang dalawa ng kanila-kanilang teammates.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

"Tapos na 'yan, tama na 'yan," ang narinig naman na sigaw ni Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua habang pinaghihiwalay sina Tolentino at Jose na kapwa produkto ng Far Eastern University (FEU).

Nauna nang tinawagan ng technical foul sina Tolentino at Jose dahil sa patuloy na pagtatalo ng mga ito matapos na tawagan ng foul ang nasabing manlalaro ng Ginebra.