Ibinahagi ng batikang aktres na si Carmi Martin na minsan na siyang nakaranas ng pambabastos sa isang dayuhan, sa loob ng isang restaurant, na kaagad namang nakatikim ng kyompal mula sa kaniya.

Naungkat ang ganitong usapin dahil sa eksenang ginawa ni Will Smith sa Oscars awarding kung saan sinugod at sinampal niya sa harap ng madlang pipol si Chris Rocks, dahil sa pagbibiro nito sa kaniyang misis na si Jada Smith.

Sa isang episode ng 'Mars pa More' ng GMA Network, naibahagi ni Carmi na habang nasa isang bakasyon siya, may isang tour guide daw ang lumapit sa kaniya kasama ang isang dayuhang turista. Gusto raw nitong magpa-picture kay Carmi, na pinaunlakan naman nito.

Pumayag naman si Carmi. Sa katunayan, siya pa nga raw ang tumayo para mas mainam ang view sa kanilang photo opp.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Ngunit ikinabigla ni Carmi ang sumunod na ginawa ng dayuhan. Umupo raw ito sa upuan niya, hinatak siya, at pinakakandong siya.

Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi nito.

“Sinampal ko talaga! Sabi ko, ‘Who gave you the right to do that,” ani Carmi.

Agad namang tumawag ng pulis ang mga staff ng resto at pinalayas ang naturang turista. Sinabon naman ni Carmi ang tour guide na nagreto sa kaniya sa naturang bastos na dayuhang turista.