Sa pangalawang pagkakataon ay nagbahagi ng kaniyang Instagram post ang kontrobersyal na Kapamilya actress na si Yen Santos, matapos ang pagbura niya sa lahat ng mga posts niya sa IG, sa kasagsagan ng mga ipinupukol na intriga ng mga netizen sa kanila ng kaniyang kaibigang si Paolo Contis.

Hindi naman nakaligtas sa 'mapanuring mata' ng sikat na social media personality na si 'Senyora' ang pag-like umano ng 'friend' at rumored boyfriend ni Yen na si Paolo Contis sa 2nd IG post na ito ni Yen. Ibinahagi ang screengrab nito sa FB page nito. Si Senyora ay spoof mula sa karakter na 'Senyora Santibañez' ng sikat na Mexican telenovela noon na 'Marimar' na ginawan ng Pinoy adaptation nina Marian Rivera at Megan Young.

Makikita sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Abril 4 ang kaniyang mga selfie na may apat na frame, at ang isang bersyon naman ay black and white. May caption ito na emoji na kulay itim at '@zero1story_.'

Ang 'zero1story' ay IG account ng isang salon sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City na ang serbisyong haircuts, hair treatments, at hair colors ay Korean style. Nag-like dito ang 'rumored boyfriend' na si Paolo Contis, ayon sa pambubuking ng social media personality na si 'Senyora'.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Stay strong to my favorite best friends," biro ni Senyora, kalakip ang resibo na ni-like ni Paolo ang 2nd IG post ni Yen na mukhang bago ang hairstyle.

Sa comment section, agad na nagkomento rito si Paolo.

"Salamat.. bilis ha!" saad ng aktor, na nakakuha ng 24K 'haha' reactions at pinutakti ng komento mula sa mga netizen.

May be a closeup of 3 people and text that says 'Senyora Favorites 15h Stay strong to my favorite best friends ysantos … 1/2 Liked by paolo_contis paolo _contis and others Paolo Contis Salamat.. bilis ha! Follow 14h Like Reply Hide 21.4K'
Screengrab mula sa FB/Senyora

"Bilis mo rin!"

"PALOS ah… grabe, bilis!"

"The Flash yern?"

"Parang damdamin mo po ang bilis din magbago."

"Pagtatanggol as a friend?"

"Sana all me loyal friend!"

At syempre, hindi naman nagpatinag si 'Senyora' at agad na tumugon kay Paolo, sa pamamagitan ng hiwalay na FB post. Aniya, "Aba syempre naman! Yan pinagkakaabalahan ko sa IG. Baguio na ulit sama me."

Nagsimulang magkaroon ng intriga sa kanilang dalawa nang maispatan silang namamasyal sa Baguio City, sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/09/tara-punta-tayo-baguio-as-a-friend-memes-trending-sa-social-media/">https://balita.net.ph/2021/09/09/tara-punta-tayo-baguio-as-a-friend-memes-trending-sa-social-media/

Ipinagtanggol naman ni Paolo si Yen at dito na nauso ang ikinakantiyaw sa kanila na 'as a friend' dahil inamin ng aktor na nagkita at namasyal sila ni Yen sa Baguio bilang magkaibigan.

Saad naman ng talent manager ni Paolo na si Lolit Solis, 'mother figure' kasi ang datingan ni Yen kaya ito ang piniling puntahan ng alaga.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/18/yen-mother-figure-nga-ba-talaga-dahil-totoong-may-junakis-na/">https://balita.net.ph/2021/09/18/yen-mother-figure-nga-ba-talaga-dahil-totoong-may-junakis-na/

Biro pa niya, wala naman daw masama kung mahulog sa isa't isa sina Paolo at Yen dahil technically ay hindi naman sila kasal pareho. Baka raw 'nagtitikiman' sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/26/lolit-solis-sa-tunay-na-score-nina-yen-santos-at-paolo-contis-baka-nagtitikiman/">https://balita.net.ph/2021/11/26/lolit-solis-sa-tunay-na-score-nina-yen-santos-at-paolo-contis-baka-nagtitikiman/

Naintriga na ring buntis si Yen subalit pinabulaanan ito mismo ni Paolo. Depensa niya, mahangin lang daw sa airport nang papunta sila sa Boracay noong Disyembre 2021, kaya nagmukhang malobo ang tiyan ni Yen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/03/paolo-nag-react-sa-pregnancy-issue-kay-yen-nagmukha-siyang-mataba-kasi-ang-hangin-that-time/">https://balita.net.ph/2022/01/03/paolo-nag-react-sa-pregnancy-issue-kay-yen-nagmukha-siyang-mataba-kasi-ang-hangin-that-time/

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi na tinantanan ng intriga ang dalawa. Ang huli nga, naispatan silang naglalakad habang magkahawak-kamay sa isang mall. Hindi naman natukoy kung kailan ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/paolo-at-yen-naispatan-nga-bang-hhww-as-a-friend-habang-nasa-mall/">https://balita.net.ph/2022/03/26/paolo-at-yen-naispatan-nga-bang-hhww-as-a-friend-habang-nasa-mall/