Masayang ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina na engaged na sila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Timmy Llana, sa kaniyang Instagram post nitong Abril 4, 2022.

Ipinakita ni Maxine ang litrato ng kaniyang kamay na suot na ang engagement ring na handog sa kaniya ni Timmy habang sila ay nasa Club Paradise Palawan.

Screengrab mula sa IG/Maxine Medina

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Finally my forever!" saad sa caption ng IG post ni Maxine, na napapanood sa 'First Lady' sa GMA Network, na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, na book 2 ng 'First Yaya'.

Maxine Medina at Timmy Llana (Screengrab mula sa IG/Maxine Medina)

Sa isa pang IG post, makikita ang short video clip nila ng fiance na si Timmy pagkatapos nitong makuha ang matamis niyang oo.

"This is the start of my ALWAYS," saad sa caption.

Maxine Medina at Timmy Llana (Screengrab mula sa IG/Maxine Medina)

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kaibigan at katrabaho ni Maxine gaya nina Kakai Bautista, Ben Alves, Melissa Ricks, Marco Gumabao, Nicole Cordoves, Josh Colet, Iza Calzado, Rayver Cruz, at marami pang iba.

Bago ang engagement, ibinahagi ni Maxine sa IG na miss na miss na niya ang jowa at patungo sila sa Club Paradise Palawan. Sa puntong iyon ay hindi pang kamalay-malay ang beauty queen-turned-actress sa sorpresang ibibigay sa kaniya ng boyfriend.

Apat na taon nang mag-jowa sina Maxine at Timmy.