Pinag-uusapan sa TikTok ang biglaang paghalik ni Herlene 'Hipon Girl' Budol kay Asia's Multimedia Star at Pambansang Bae na si Alden Richards nang magkita sila sa isang lugar, kasama ang sumikat na online seller-turned-comedian na si Madam Inutz.

Makikita sa video na nag-fan girling si Herlene kay Alden at bigla itong hinalikan sa kaliwang pisngi. Ngumiti naman si Alden Kilig na kilig at masayang-masaya naman si Herlene.

"Parang manika si Alden walang lait pogi..." ayon sa caption.

Subalit may mga nakapansing netizen na tila hindi raw naging komportable si Alden sa ginawa ni Herlene. Makikitang ra-round 2 pa sana ang komedyante subalit umiwas na si Alden, at sa dulo ng video, makikitang umalis na lamang ito nang sumandal pa si Hipon Girl sa likuran niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa comment section, agad na humingi ng paumanhin si Hipon Girl. Aniya, nag-sorry daw siya kay Alden at nagpaalam din.

"Sorry po sa mga nailang para kay Alden nag-sorry po ako after (teary-eyed emoji) at nagpaalam din," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Di rin kasi okay yung ginawa niya eh, walang consent…"

"Nilapitan niya lang kasi nang biglaan, and nakita mong umiwas si Alden sa second time, parang malabo ‘yung assumption na she asked before the vid kasi."

"Saka if she really asked for consent, isn't it better na ipakita sa video? Pero still kitang-kita sa cam na nauncomfy si Alden."

May mga nagtanggol naman kay Alden sa mga nagsasabing suplado raw ito.

"Grabe ibang comments suplado daw si Alden?? Y’all ain’t be serious? Kissing without a consent??? Seriously???"

"Literally if sa babae ginawa 'yan their reaction would be different…"

"True. 'No means No' apply din sa mga kalalakihan."

Samantala, wala pang reaksyon at tugon dito si Alden.

Naglabas ng pahayag ang 'Sparkle GMA Artist Center' na posibleng magsagawa sila ng legal action sa mga taong nagpakalat ng pekeng litrato ni Alden na pinag-uusapan ngayon sa social media.