Personal na tinutukan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Frisco San Juan, Jr. ang isinagawang clearing operations sa Roxas Boulevard at Baclaran Redemptorist, Parañaque City sa kabila ng malakas nabuhos ng ulan, ngayong Martes, Abril 5.

Ang mga tauhan ng Sidewalk Clearing Operations Group at Task Force Special Operations ng MMDA ang nanguna sa clearing operation sa lugar upang alisin ang mga sagabal at nakaharang sa kalsada gaya ng illegally parked vehicles at sidewalk vendors na layuning mapabilis ang daloy ng trapiko lalo na't nasa 100% ng kapasidad ang mga establisimyento sa ilalim ng Alert Level 1 sa buong Metro Manila.

Ayon sa MMDA nasa limang sasakyan ang hinatak at dinala sa impounding area ng ahensya habang 16 naman ang natiketan.

Winarningan lamang muna ng MMDA ang mga sinitang vendors na umuukupa sa bangketa at pinaalis sila sa lugar at hindi kinumpiska ang kanilang mga kariton at paninda.

National

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa -- PAGASA

Mahigpit namang nagbabalak si MMDA Traffic Chief Bong Nebrija na sa susunod na operasyon ng ahensya ay mapipilitan silang isyuhan ng violation ticket at kukumpiskahin ang kanilang mga kariton at paninda sa mga mahuhuling sidewalk vendors sa Baclaran.

Samantala sinabi ni Juan na magsasagawa ang MMDA ng regular clearing operations sa lahat ng Mabuhay Lanes upang masiguro na ang mga sinasabing alternatibong ruta para sa EDSA (Epifanio Delos Santos Avenue) ay madaraanan ng mga sasakyan at obstruction-free.