Gulat na gulat ang kapatid na lalaki ni Kapuso actress Bea Alonzo na si James nang biglang tumawag ang aktres sa kaniya, mangiyak-ngiyak, at ibinalitang buntis siya sa jowang si Dominic Roque at baka makasuhan siya ng 'breach of contract' ng GMA Network, kung saan maaari siyang magmulta ng ₱500M.

Noong una ay chill lang ang bunsong kapatid nang ibalita sa kaniya ni Bea na magkaka-anak na umano sila ni Dom, pero nagulantang ito nang sabihin ni Bea na baka nga mademanda siya ng Kapuso Network lalo't wala pa siyang isang taon sa network, at hindi pa nga napapalabas ang mga nakahaing teleserye at pelikula niya.

Mas nawindang pa si James nang sabihin ng ate na baka maibenta niya ang bahay at farm nila sa Zambales bilang pambayad-danyos, kung sakaling matuloy ang asunto.

Kung sakali raw, may isa pa naman daw silang bahay sa Pasig City na puwede nilang tirhan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maya-maya, ibinunyag na ni Bea na prank lamang ang lahat, bilang content niya sa vlog na 'Prank Calling My Friends'.

"Buwisit ka talaga! Sobrang nabubuwisit na ako sa iyo, naiiyak na ako..." sabi pa ng kapatid ng aktres.

Hindi lamang kapatid ang pinagtripan ni Bea kundi ang mga kaibigang sina Kakai Bautista, Mark Nicdao, Piolo Pascual, at Vice Ganda.

Ayon kay Bea, siya ang kinabahan sa kaniyang mga prank at hindi siya sigurado kung gagawin niya ulit ito.