Nasa “range of expectations” ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang numero ng presidential candidate sa mga credible survey, dahilan para hindi umano sila mag-panic kung saan inihalintulad pa ang parehong kaso noong 2016 elections.

Sa panayam ni Christian Esguerra kay Aika Robredo, panganay ni VP Robredo, sinabi nitong hindi bagong sitwasyon sa kandidatura ng kanyang ina ang pumangalawa lang sa mga presidential survey.

Nananatili ang pamamayagpag ng mahigpit na karibal ni Robredo na si Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. sa surveys na inilunsad ng Pulse Asia, SWS Survey, bukod sa iba pa nitong mga nagdaang buwan.

“Ako sa totoo lang, hindi ako kinakabahan because hindi naman ‘to unfamiliar place for us to be,” ani Aika nitong Lunes, Abril 4.

National

Hontiveros, pinaiimbestigahan napaulat na mga Pinay na ginagawang surrogates abroad

“In 2016, nakita natin yung gapang din. I think even sa March malayo pa rin yung numbers niya. So in all honesty, hindi kami nagpa-panic. Para sa amin within range of expectations siguro yung lumalabas,” dagdag niya.

Gayunpaman, hindi nito isinasawalang-bahala ang mga survey at bagkus ay tinitingnan itong “guide” ng kampo ng kanyang ina para sa susunod nitong mga hakbang.

“Yung surveys from credible survey companies based on Science naman niya. I’m sure may margin of error siya here and there pero magandang strategy and basis siya for all of us kung papaano ba o saan natin ipo-focus natin yong resources natin…maganda siyang guide for the team essentially to hit kung ano yung spot na gusto natin i-hit,” sabi ni Aika.

Samantala, hindi naman itinanggi ni Aika na tugon sa kasalukuyang numero ng mga survey ang kanilang mas pinaigting na house to house campaign.

Larawan mula kay Aika Robredo via Facebook

“To a certain extent, siguro yes. But yung nangyayari kasi sa amin, anywhere siguro na pinupuntahan ng mama namin, yung reception sa kanya is really okay. I think excited parati na makita siya. Tingin ko kapag kami ng mga kapatid ko ang lumalabas, siguro mas totoong temperament ang nakikita namin,” pagbabahagi ni Aika.

Para sa kanya, bagaman ang H2H campaign ang orihinal na papel talaga nilang magkakapatid sa kampanya ng ina, magandang oportunidad ito para mas lalong maabot ang mga botanteng “nag-eexist outside the circles.”

Nakikita naman ni Aika na “movement” ang mga rally ng ina sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan umaabaot sa ilang-libu ang mga dumadalong tagasuporta.

“Kapag siya yung lumabas, nasa kanya pa rin yung loudest applause, yung loudest cheers na iniisip ko, ‘Kung hindi ito movement, hindi sila maghihintay ng ganoon katagal para lang martini siya. Kung hindi ito movement, yung mga tao yung bagong hobby nila ngayon, nagra-rally hopping sila,'” ani Aika.

Higit isang buwan bago ang botohan sa Mayo, naniniwala si Aika na sapat itong panahon upang mag-peak ang numero ng kanyang ina sa mga survey.

Larawan mula kay Aika Robredo via Facebook

Hinikayat niya rin ang mga volunteer na huwag magsayang ng oras at patuloy pang “samahan” at “damayan” ang kanilang ina hanggang sa dulo.