Dream come true para sa teen star na si Zephanie Dimaranan nang makasama niya agad sa All Out Sundays stage ang mga iniidolong artists sa GMA Kapuso Network.

Opisyal nang winelcome ng AOS family ang newest Sparkle artist at Kapuso teen idol na si Zephanie Dimaranan nitong Linggo, Abril 3.

Sa kanyang press conference kamakailan, binanggit ni Zephanie ang ilan sa mga nais niyang makasama sa entablado bilang Kapuso at agad namang natupad ito nang mismong sina Asia’s Limitless Star Julie Ann San Jose, Rita Daniela at Aicelle Santos ang nag-welcome sa kanya sa AOS.

Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, “punong=puno ng pasasalamat at saya” ang nararamdaman ni Zephanie matapos muling makapag-perform onstage.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Sa pag-apak ko muli sa entablado, wala akong ibang naramdaman kundi pagmamahal at mainit na pagtanggap mula sa mga taong nasa paligid ko. Salamat sa inyong lahat!” dagdag ni Zephanie.

“I am proud to be a Kapuso! [emojis]” sabi ng teen idol.

Basahin: Zephanie Dimaranan, opisyal nang Kapuso – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid