Pinalagan ni 'Pambansang Lalaking Marites' Xian Gaza ang direktang paninita sa kaniya ng Kapamilya actor na si Kit Thompson kaugnay ng inilabas niyang blind item tungkol sa isang 'spongkey'.

"Stop spreading disinformation," saad ni Kit sa kaniyang Facebook post. Shinare niya ang blind item post ni Xian noong Marso 19, 2022, sa kasagsagan ng isyu ng pambubugbog at pananakit umano ng aktor sa kaniyang nobyang si Ana Jalandoni.

Screengrab mula sa FB/Kit Thompson

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/31/kit-thompson-nakiusap-kay-xian-gaza-stop-spreading-misinformation/">https://balita.net.ph/2022/03/31/kit-thompson-nakiusap-kay-xian-gaza-stop-spreading-misinformation/

"ALMUSAL BLIND ITEM: "SINETCH ITEY NA ISANG CONTINENTAL GIRLALOO ANG NAGPUNTA NG AMANPULO KASAMA ANG KANYANG 5'4" CHINESE SPONGKEY NA KALBO KAPALIT NG 250,000 PESOS? ANG NASABING LUXURIOUS VACATION AY NALAMAN NG JOWA NI BABAE TAPOS WAIT TULOG MUNA KO AT NAPIPIKIT NA ITULOY KO LATER PAGKAGISING GOOD NIGHT EVREBADEH," saad sa blind item ni Xian.

Marami tuloy ang na-curious kung ano ba ang ibig sabihin ng 'spongkey', bagay na sinagot din niya.

"SPONGKEY is a noun, meaning a person who gives financial support in exchange for sexual favors or intimate relationship," ayon sa screengrab na ibinahagi pa niya sa isa pang hiwalay na Facebook post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/ano-nga-ba-ang-ibig-sabihin-ng-salitang-spongkey-sa-pa-blind-item-ni-xian-gaza/">https://balita.net.ph/2022/03/21/ano-nga-ba-ang-ibig-sabihin-ng-salitang-spongkey-sa-pa-blind-item-ni-xian-gaza/

Nitong Marso 31, naglabas naman ng 'opisya na pahayag' si Xian tungkol sa paninita ni Kit.

"Official Statement of XIAN GAZA to Mr. Kit Thompson: Hindi ko alam yung mga sinasabi mo. Wala akong alam diyan," aniya.

Ang tinutukoy raw ni Xian ay ang kapitbahay niya sa Bangkok, Thailand na may spongkey.

"Ang tinutukoy ko sa aking mga posts ay yung kapitbahay ko sa Bangkok na may spongkey. Huwag mo ko idamay sa gulo ninyo please lang," aniya.

Nagpatuloy pa si Xian na may himig-pagbibiro na makikita sa comment section ng mismong post niya. Game din siyang sumasagot sa mga netizen na nagkokomento o nagre-react.

"NANANAHIMIK AKO DITO PWEDE BA."

"Isa pang post nila tungkol sa akin ay sasampahan ko sila ng cyberlibel. Nakahanda na ang mga abogado ko," tugon naman niya sa isang netizen.

Reaksyon ng isang netizen, "Solid ka brad!! Haha bentang benta sakin hahahaha."

"Bakit nila idadamay sa issue yung isang multi-milyonaryong CEO na payapang nagnenegosyo sa abroad? Ito'y malinaw na kasiraan sa aking pangalan. Magkita-kita kami sa korte kung yan pala ang gusto nila para magkaalaman kung gaano ako kayaman."

"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat eh yung idinadamay ako sa isang gulo na wala naman akong kinalaman at all. Ano namang pakialam ko sa bugbugan na yan ha?! Aba malay ko sa inyo diyan!"

"Kaya ngaaaaa eh labas ako diyan! In the first place eh bakit siya makikisawsaw sa away namin nung kapitbahay ko sa Bangkok?? Luko-luko ampucha."

Isang netizen naman ang sumang-ayon kay Xian, "Wala naman nakalagay na name."

Sagot ni Xian, "Pakitanong sa kanya kung ano yung iniiyak-iyak niyang misinformation diyan eh kapitbahay ko yan sa Bangkok! Magkakilala ba sila? Assumero ampucha feeling."

Samantala, wala pang tugon o reaksyon dito ang aktor na pansamantalang nakalaya dahil sa piyansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/kit-thompson-pansamantalang-nakalaya-dahil-sa-piyansang-72k/">https://balita.net.ph/2022/03/22/kit-thompson-pansamantalang-nakalaya-dahil-sa-piyansang-72k/