Inamin ng isa sa mga lead star ng pelikulang 'Sisid' na si Vince Rillon na mas nag-enjoy siya sa maiinit na eksena sa kapwa aktor na si Paolo Gumabao, kaysa kay Christine Bermas.

Natanong kasi si Vince sa isinagawang movie screening sa Gateway Cinema sa Cubao, Quezon City, kung ano ang pakiramdam na nakipag-love scene siya kina Paolo at Christine sa pelikula. Aniya, hindi raw niya alam kung paano naitawid iyon.

"Hindi ko po alam paano ko naitawid 'yun. Pero wala naman ako’ng naging problema kay Paolo. Mas nag-enjoy ako kay Paolo kasi para lang kaming naglalaro eh. Basta sabi niya, kung ano ang gagawin mo sa akin, gagawin ko rin sa kanya," sey ni Vince, na ang tinutukoy ay ang mga maiinit na eksena nila.

Wala si Paolo nang mga sandaling iyon dahil nasa lock-in taping umano ng ibang proyekto. Kabilang si Paolo sa TV series ng Darna sa ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Subalit nauna nang nasabi ni Direk Brillante na wala umanong pakialam ang dalawa kung magkakiskisan na sila ng mga 'nota' nila habang ginagawa ang maiinit na eksena.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/15/paolo-gumabao-at-vince-rillon-walang-kiyeme-sa-hubaran-kaskasan-kung-kaskasan/">https://balita.net.ph/2022/01/15/paolo-gumabao-at-vince-rillon-walang-kiyeme-sa-hubaran-kaskasan-kung-kaskasan/

Natanong ang award-winning director nitong si Brillante Mendoza, gayundin ang iba pang cast members na sina Kylie Verzosa at Christine Bermas, kung ano ang pakiramdam na napanood nila ang pelikula sa big screen, makalipas ang dalawang taon.

Mendoza: "Masaya ko sa nakita ko. Meron pa rin dapat i-improve pero masaya ako."

Bermas: "Iba pa rin talaga yung experience pag nasa screen at sa Zoom lang. Nagkaroon na kami ng exclusive na screening and iba talaga yung emotions. Actually may mga scenes na hindi ako comfortable na panoorin ko yung sarili ko to be honest. Pero ang sarap din ng feeling.”

Verzosa: "Sobrang saya ko na finally, I saw one of my projects on the big screen kasi two years have passed na and the first movie I saw on the screen is gawa ni Direk Brillante. Nakita ko rin si Vincent, si Paulo, si Christine. Nanood ako at sobrang chill lang ako rito. But aside from that, sobrang saya ko na makasali sa project na ito. I just feel so grateful. Yun ang experience ko rito."

Rillon: "Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon eh dahil first time kong makita ang sarili ko sa big screen. Thankful ako at naitawid ko yung mga eksena ko kay Paolo at Kylie.”

Aprub naman daw kay Direk Brillante ang aktingan ng lahat.

Mapapanood na sa Vivamax ang 'Sisid'.