Naikuwento ng bagong Kapuso actor na si Rob Gomez sa isang panayam na hanggang ngayon daw, hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa at ipinakita sa kaniya ng isa sa mga Kapuso heartthrob na si Tom Rodriguez.

Ayon sa ulat, dahil daw dito ay bago na niyang paboritong aktor sa GMA si Tom. Ito raw ang unang beses na may lalaking aktor na gumawa nito sa kaniya.

Salaysay ni Rob, nagkasabay sila sa elevator ni Tom at hindi raw siya makapaniwala na kahit big star na ito, ay nagawa pa nitong bumati sa kaniya, kahit na kung tutuusin ay hindi naman sila magkakilala.

Isa pa, nakasuot pa raw siya ng face mask noong maganap ang nakatutuwang engkwentro sa loob ng elevator.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nagpakita kaagad ito ng kabaitan at kababaang-loob para sa isang 'beginner' na gaya niya. Kilala raw siya nito.

"I had a face mask and everything. Binati niya ako, ‘Hi.’ Sabi ko, ‘Hi po.’ Sabi niya, ‘I’m Tom.’ Gumanoon siya. Sabi ko, ‘Hi po, I’m Rob. Yeah, I know you'", pagbabahagi ni Rob.

"Really si sir Tom Rodriguez, he was nice, sobrang bait. Nagulat din po ako. That certain kind of gesture, really stood out."

Si Tom lamang daw ang kauna-unahang aktor na lalaki na gumawa sa kaniya ng ganoong kabaitan.

"Siya ‘yung unang aktor na lalaki na gumanoon po sa akin doon kaya nakakatuwa. It speaks a lot about a person,” bida ni Rob. Sana lamang daw ay mabigyan sila ng pagkakataong magkatrabaho dahil naririnig niyang mahusay na aktor ang mister ni Carla Abellana.

Si Rob Gomez ay anak ng dating aktres na si Kate Gomez at pamangkin ng aktor na si Gary Estrada, na madalas ding napapanood sa mga Kapuso shows.

Napanood si Rob sa teleseryeng 'Mano Po Legacy: The Family Fortune' na pinagsanib na puwersa ng GMA Network at Regal Films.

Samantala, hanggang ngayon naman ay tikom pa rin ang bibig nina Carla at Tom tungkol sa isyu ng hiwalayan umano nila, na pumutok noong unang buwan ng 2022.