Sasabak na rin sa kampanya para sa Leni-Kiko tandem ang Multimedia Star na si Nadine Lustre.

Matapos ang isang buwang pamamalagi sa France kasama ang Filipino-French boyfriend at businessman na si Christopher Bariou, nakatakdang bumalik ng Pilipinas ang aktres.

Tila all-set na rin si Nadine na ikampanya ang kanyang manok para sa pambansang halalan sa Mayo.

Sa isang Facebook post ng Robredo People’s Council (RPC) – Pampanga, isang teaser ang agad na nahulaan ng netizens lalo na ng Kakampinks .

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Excited ka na ba? Kasi excited NADIN siya 😉,” mababasa sa caption nito sa post.

Hindi mang lantaran na binanggit ang pangalan ni Nadine ngunit makikita rin sa poster ang malabong larawan ng aktres. Dagdag na kumpirmasyon ang dala-dala pa nitong bote ng condiments na matatandaang nag-viral noong 2021.

Gaganapin ang campaign sortie ni Robredo sa Pampanga sa darating na Abril 9.

Mula Enero ngayong taon, hayagan na ang pagsuporta ni Nadine sa kandidatura nina Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at ang running mate nitong si Senador Kiko Pangilinan.

Basahin: Nadine Lustre, trending matapos ipakita ang pagsuporta sa Leni-Kiko tandem – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nag-trend pa sa Twitter ang aktres matapos ibahagi sa isang Instagram story ang larawan ng billboard-size mural painting ng tandem noong Enero 8.

Samantala, muling itinanggi ni Nadine ang mga umugong na usapan kaugnay umani ng kanyang pagbubuntis.

Basahin: Nadine Lustre, itinanggi na buntis siya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid