Sa isang Instagram post, ipinaabot ng 74-anyos na si Manay Lolit ang kanyang pasasalamat matapos makatanggap ng bagong wheelchair mula kay celebrity socialite Gretchen Barretto.

“Feeling confident na ako na pag talagang hindi ko na makayang lumakad ng mahaba, sakay na ako sa wheelchair na ipapatulak ko kay Gorgy,” anang showbiz manager.

Binanggit din ng talent manager ang maagap na mga assistant ni Gretchen na agad na nagpadala ng gamit sa isang tawag lang.

“Bongga talaga si Ana Abiera at Francis Simeon, isang tawag lang, hayan na ang wheelchair. Kaya pala talagang idol sila Ana Abiera ng mga binibigyan ng bigas, lovebox at wheelchair ni Gretchen Barretto dahil hindi sila naghihintay ng matagal,” ani Manay Lolit.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Talagang asikasong mabuti ang delivery at kasama sa pagtulong nila Gretchen iyon personal na asikaso sa paghahatid. Bongga talaga,” dagdag niya

“Maraming Salamat talaga team Gretchen Barretto,” saad ni Manay Lolit.

Aniya, maaaring sa susunod na taon pa niya magagamit ang nasabing wheelchair.

“Maraming Salamat talaga team Gretchen Barretto.”

Kilala si Greta na isa sa mga generous na personalidad sa showbiz industry. Noong kahigpitan ng pandemya, isa ang celebrity socialite sa mga nagpadala ng tulong sa mga artistang nawalan ng trabaho.