“Winner” kung ilarawan ng award-winning director na si Antoinette Jadaone ang pagsulpot muli ni Rufa Mae Quinto sa kampanya ng isa pang presidential aspirant matapos unang maispatan sa campaign sortie ng UniTeam sa Zamboanga kamakailan.

Dedma matapos tawaging “boba” sa pagsulpot sa isang campaign sortie ng UniTeam s, lumabas muli sa isang kampanya ang komedyanang si Rufa Mae, ngayon kasama ang kampo ni Presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao sa Dumaguete City.

Basahin: Rufa Mae, trending dahil pro BBM—“Booba nga,” sey ng netizen – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman napigilang mag-react ng ABS-CBN resident director na si Antoinette Jadaone sa paandar na ito ni Rufa Mae.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Ay ibaaaaa si madam!!! Hahaha winner mall tour yarn??? Lahvet!” saad ng kilalang direktor sa isang reposted clip ni Rufa sa Twitter.

Si Direk Tonet ay kilala sa kanyang blockbuster films kabilang ang “That Thing Called Tadhana,” “Love You to the Stars and Back,” “Never Not Love You,’ bukod sa iba pa.

Samantala, tila nahimasmasan naman ang ilang netizens na unang nangalaiti sa comedian-actress at sinabing lumalabas na purong “trabaho” nga lang daw ang pakay ng komedyana kaya’t sumulpot ito dalawang magkalabang kampo.

Biro ng ilan pang netizens, aabangan daw nila ang susunod na paglabas ng komedyana sa iba pang political camps.