Hindi pinalampas ng singer-actor na si Janno Gibbs ang pagsita ng isang tagasuporta ni Presidential aspirant Bongbong Marcos sa kanilang satirical content na “BTS: President Gibbs Headquarters.”

Basahin: ‘President Gibbs’ Inilabas na political satire video ni Janno Gibbs, ‘patama’ nga ba? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

““Not funny at all!! Kung ayaw niyo kay Marcos you don't have to create this kind of video!!! Iboto niyo kung sino ang gusto niyo iboto! Wala nang parinigan na ganito hindi maganda!! Kaya lalong bumabagsak sa surveys si Leni!!!” nangangalaiting komento ng isang netizen sa isang screenshot na ibinahagi ni Janno sa kanyang Instagram story.

Relasyon at Hiwalayan

Caloy, nag-i love you agad kay Chloe kahit 10 days pa lang magka-talking stage

Screengrab mula sa Instagram story ni Janno Gibbs

Agad namang tumugon ang aktor sa komento.

“Hindi mo ba na napanood ung gawa ng kampo niyo kay Leni?” Ung sinasapian siya at nagwawala parang exorcist?! Anong tawag mo dun? Mabait pa 'tong sakin,” anang celebrity Kakampink sa content na inilabas ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.

Matatandaang naging trending topic si Janno Gibbs sa Twitter nang lumabas ang satire video noong Marso 17. Kasalukuyang nasa higit 230,000 ang views nito sa YouTube pa lang.