PANGASINAN - Sugatan ang isang kandidato sa pagka-konsehal ng Malasiqui matapos pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang lalaki habang ito ay nasa harap ng kanilang gate sa Barangay Talospatang nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alexis Mamaril, graduate ng Doctor of Medicine, dating barangay chairman at kasalukuyang kagawad at taga-Brgy. Talospatang, Malasiqui.

Isinugod ito sa Universal Health General Hospital sa Cabatling, dahil sa mga tama ng bala sa pisngi, dibdib at kanang braso.

Naiulat ng mga awtoridad na nakatayo ang biktima sa likod ng kanyang sports utility vehicle habang hinihintay ang mga food pack para sa campaign sorties dakong 7:50 ng gabi nang dumating ang mga lalaki at pinagbabaril ito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungo sa hindi mabatid na lugar, ayon sa pulisya.

Nagsasagawa pa ng dragnet operations ang mga pulis sa ikaaaresto ng mga suspek.