Pumanaw na ang sikat na TikTok personality at registered nurse na si Joyce Culla nitong Sabado, Abril 2.

Photo: Joyce Culla (FB)

Kamakailan ay isinugod sa ospital si Culla sa Mt. Carmel Hospital sa Lucena City dahil sa ruptured brain aneurysm at naging kritikal ang kondisyon nito. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sumailalim sa operasyon ang TikTok personality, ngunit sa hindi magandang pangyayari siya ay na-comatose. Dahil dito, nagkaroon ng mga aktibidad ang ibang mga tagahanga niya kagaya ng: Dance for a cause, Live selling for a cause, Tattoo for a cause, atpb, para makatulong sa pinansyal na pangangailangan ng pamilya ni Culla.

Gayunman, tuluyang nang namalaam ang 24-anyos na dalaga.

Nakilala ang registered nurse na si Joyce Culla sa TikTok dahil sa galing niyang sumayaw. Naging usap-usapan din kamakailan ang breakup niya at ng dating niyang nobyo.

Kasalukuyang may 1.6M followers siya sa TikTok, 39K sa Facebook, at 28.9K followers sa Instagram.

Trending topic din siya sa Twitter kung saan makikita ang mga tweet ng mga tagahangang nabigla sa pagpanaw niya.