Pinalagan ni Kapuso comedy star Pokwang ang mga basher na patuloy na lumalait sa kaniya dahil sa pagiging Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem.

Ibinahagi ni Pokie na pati raw si 'Magandang Buhay' host Momshie Melai Cantiveros ay dinadamay na rin at sinasabihan daw silang 'pangit'. Sey ni Pokwang, hindi naman daw nila sinabing maganda sila.

"Bashers: Ang pangit mo Pokwang! kayo ni Melai (Cantiveros) pangit n'yo!"

"Me: Kailan namin sinabing maganda kami? Kailaannn????"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Kung may sinabi kaming maganda kami, pwes! na FAKE NEWS NA NAMAN KAYO!!! Gusto n'yo 'yan eh," saad sa tweet ni Mamang Pokwang noong Marso 30, 2022.

Screengrab mula sa Twitter/Pokwang

Nagkomento naman dito ang kaibigan ni Pokwang na si K Brosas.

"Lol! haaay! Meron din ilan na nagsasbi na 'laos ka laos!' ehhh kelan ko ba sinabi na sikat ako?! Kelaaaaaan??! Hehe labyu!"

Tugon naman ni Pokwang, "Sikat ka bff para sa akin at mga nagmamahal sa'yo."

Screengrab mula sa Twitter/K Brosas

Bago pa nito, nagpakawala rin siya ng tweet noong Marso 27, 2022 tungkol naman sa kadalasang sinasabi sa kaniya ng mga basher na hindi bet ang pagsuporta niya bilang Kakampink.

"Yung saya ng post mo napaka-GV tapos may mga daot uumpisahan ka tatawagin ka ng kung ano anong okray tapos pumatol ka at binagsakan mo ng katotohanan biglang play victim!"

"Ganyan ka pala idol pa naman kita akala ko mabait ka!" PWES! DI AKO DIOS! ako ay #PinkAngPokienyongLahat," banat ng komedyana.

Screengrab mula sa Twitter/Pokwang

Matatandaang sinabi na ni Pokwang na hindi siya natatakot na mawalan ng mga followers o online friends.

"Good morning…. gusto ko lang malaman n'yong mga nagbabanta mag unfollow sa akin hahaha. Go ahead di po ako takot mawalan ng followers! takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para sa aking mga anak at magiging apo. #PinKAngPokienyongLahat #Lenikiko," aniya sa tweet noong Marso 24, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/pokie-tinalakan-ang-mga-nagmamaasim-na-supporter-ng-kabila-na-bina-bash-mga-artistang-kakampink/">https://balita.net.ph/2022/03/24/pokie-tinalakan-ang-mga-nagmamaasim-na-supporter-ng-kabila-na-bina-bash-mga-artistang-kakampink/