Hindi nagpaawat si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagtalak sa isang basher na nagsabing siya at ang kaniyang team ang may pasimuno o nasa likod ng pag-atake ng ilang pageant fans kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Makikita sa pageant fan page na 'The Philippine Pageantry' nitong Abril 1, 2022 ang screengrab ng mga pagsagot ni Pia sa naturang basher, sa pamamagitan ng mahahabang Instagram posts.

"PIA SPEAKS UP | Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach finally fights back her bashers who always makes issue between her and Catriona.

@(pangalan ng basher) has now deleted his comment and has already private his account," saad sa caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mababasa sa naturang screengrabs na tila pinararatangan ng basher si Pia at ang team daw nito na siyang nasa likod ng 'panunulsol' umano sa ilang mga pageant fans para batikusin si Catriona.

"I think pia and her team are attacking @catriona_gray behind hmmm that makes me realize na sobrang galing ng performance ni @gutierrezary hmm i think she deserve the blue crown. Give back the crown to @gutierrezary," turan ng naturang basher.

Humirit pa ito at ang tinag ay si Ariadna Gutierrez o si 'Miss Colombia', ang first-runner ni Pia na napagkamaliang maihayag na panalo ng host na si Steve Harvey.

"@gutierrezary @catriona_gray 2 miss universe queens we failed to protect. Best MU tandem we never had."

Hindi naman nanahimik si Pia at agad na kinompronta ang kaniyang basher.

"May tanong ako, bakit pag ganito laging AKO unang n'yong naiisip na pasimuno? Bakit ako?" aniya.

Tila naloka naman ang basher at nashokot kaya agad nitong binura ang komento. Pero dahil gigil na si Pia at hindi na umano uubra ang pananahimik na lamang, sinamantala na niya ang pagkakataon upang magsalita sa mga alegasyon sa kaniya, lalo't paulit-ulit na lamang ang mga ibinabatong isyu sa kaniya.

"Nawala yung comment ni (pangalan ng basher sa social media) naka-ready na sana yung mahaba kong reply sa kaniya," saad ni Pia. Itinuloy-tuloy na niya ang pagtatanggol sa kaniyang sarili. Wala raw siyang 'attack dogs' team pero meron siyang glam team. Meron din siyang team na nag-aayos ng kaniyang mga schedule at ibang business-related matters.

"Usually I just ignore messages like this kasi di naman totoo but years na ito paulit ulit na lang. And if other people are not gonna defend you or speak on your behalf, you have to speak up and defend yourself. I don't know why people really believe that I have a 'team' and that I actually aim to attack and tear other people down. Saan galing ito?"

"I always try my best to be good with everyone. I never want to have beef with anyone. That makes me so uncomfortable. I'm just not that type of person and I'm a big believer in karma. At kahit sa mga taong ayaw sa akin, hindi ako gumaganti or nang 'attack' tulad ng sinasabi mo. Lagi lang akong tahimik."

Sa isa pang hiwalay na post, nagtataka si Pia kung bakit hanggang ngayon ay isyu pa rin at patuloy silang ikinukumpara ni Catriona gayong magkaibang taon naman silang nanalo. Isa pa raw, pitong taon na raw ang nakalilipas pero hindi pa rin maka-move on ang iba pang mga netizen.

"I get messages like these all the time. And honestly nakakapagod na. Why can't we just celebrate ALL WOMEN? ALL Queens? Bakit kailangan may 'team' nila, 'team' ko?"

"Tapos may mga imaginary scenarios pa in your head that were all at war? Is it really hard to believe that women in the same industry can get along & thrive? I handle my own life & career now. I dip my feet in pageants once in a while because I get invited and enjoy hosting gigs/ being invited to judge or giving pep talks. Sa pageants naman kasi ang roots ko e so I enjoy it… but that's it!"

Wala rin umanong iringan sa pagitan ng mga beauty queens.

"Walang away-away dito or hidden agendas. Sa sarili ko sigurado ako na wala. Masaya lang ako at very grateful na nagagawa ko parin lahat ng ito years after."

"Tsaka OO na patolera ako at ang dami kong sinabi haha. Sobra na eh. Tsaka paulit-ulit na lang."

"Ako, honestly I just wanna have fun, meet people I can collaborate with in business and advocacies, do the work that I need to do and live my life!"

"And I'm really genuinely happy that were all thriving in our careers. Lahat ng PH queens may ganap. Like look around, ang saya 'di ba? Lahat busy!"

May huling hirit ni Pia sa naturang basher, at sa iba pang magtatangka na namang magpukol ng mga alegasyon laban sa kaniya.

"Sana maging masaya ka na rin at tanggalin mo na 'yang pait sa puso mo. The pageant world has become toxic enough, do you really want to add to that? You have the power to choose what kind of Queen you want to be, (pangalan ng basher).

Kamakailan lamang, naging usap-usapan ang parinig umano ni Pinoy shoe designer Jojo Bragais kay Catriona dahil hindi raw siya nito inacknowledge sa unveiling ng wax-figure replica nito sa Singapore.

Wala pang reaksyon o tugon di Catriona tungkol dito.

Samantala, abala naman si Pia sa kaniyang sweetcom na 'My Papa Pi' katambal si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa Kapamilya Channel.