Bentang-benta ngayon sa TikTok at iba pang social media platforms ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga matapos niyang gawan ng spoof ang mismong ate niyang si Toni Gonzaga, na hindi na tinantanan ng mga negatibong komento, simula nang magdeklara ng pagsuporta sa UniTeam, maging host ng proclamation rally noong Pebrero 8, at magbitiw bilang main host sa reality show na 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10'.

Sa unang TikTok video, makikitang tila nasa dressing room ang magkapatid. Mukhang kuha ito habang sila ay nasa Dubai para sa kanilang performance sa Expo Filipino 2020.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

"Ito na yung ate ko… Ang pinakapinag-uusapan, ang pilit na ibinababa pero lalo pang umaangat. Ang tigre ng norte…"

Maya-maya ay bumanat na ng kanta si Alex, "I got the eye of the tiger…"

“The next day, I resign. ‘Sending all love to you. Your Kuya’s Angel signing off.'”

Makikitang natatawa lamang si Toni sa mga hirit ni Alex.

Sa isa pang TikTok video, makikitang ginagaya naman niya ang pag-awit nito ng 'Roar' ni Katy Perry na naging signature campaign song na ng UniTeam, lalo na kay BBM.

"Plakado kita sisss, wag ako," sey sa caption ni Alex.

Marami naman sa mga netizen ang humiling na sana raw, gawan din ng spook ni Alex ang 'Titanium' na naging trending din dahil sa paghirit ni Toni sa audience ng 'Sabay-sabay!' nang nasa bahagi na siya ng mataas na nota o tono.