Binanatan ng aminadong die-hard supporter ni Pangulong Duterte at Mother For Change Partylist first nominee Mocha Uson ang mga nagsabing siya ay isang “balimbing” matapos magpahayag ng suporta kay Presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.

“Unang-una ako po ay DDS, Rodrigo Roa Duterte Die-hard supporter at ako ay naniwala at nagtitiwala kay Pangulong Duterte at sinabi niya na si BBM (Bongbong Marcos Jr) ay weak, spoiled at may bagahe. Bakit ko hindi paniniwalaan si PRRD sa kanyang sinabi?” maanghang na tirade ni Mocha sa isang Tiktok video nitong Biyernes.

Muli namang iginiit nito na si Davao Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang bise-presidente.

“Ang aking VP ay si Inday Sara Duterte. Bakit daw ako nag-Isko? Ayaw ni PRRD kay BBM. Sinabi niya na weak, spoiled at may bagahe kaya bakit ako magbi-BBM? At kayong mga DDS, kung kayo ay nagtitiwala o naniniwala sa sinasabi ni PRRD. Ano pang ginagawa niyo d’yan?” pagpupunto ni Mocha.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nauna nang nagpahayag ng pagsuporta si Mocha kay Isko dahil nakita umano niya ang batang Duterte sa alkalde. Matatandaang ilang grupo sa Mindanao din ang naglunsad ng pagsuporta kay Isko para umano maipagpatuloy ang legasiya ng kasalukuyang administrasyon.

Basahin: Mocha Uson: ‘Nag-switch to Isko na rin po ako… dahil nakita ko po kay Mayor Isko ang batang Pangulong Duterte’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid