May patutsada ang aktor at komedyanteng si John Lapus at mga kasama nitong sina Macoy Dubs, Lady Gagita, at JR Follero hinggil umano sa iba't-ibang 'kandidata' sa isang kompetisyon.

Sa video na inilabas ng LGBTQIA+ for Leni sa Facebook post nito, bida sa "beau-con" na pinapanuod nila sila candidate number "three," "seven," at "10."

PANUORIN ANG BUONG VIDEO: WAG MAGPAPABUDOL…KAY CANDIDATE NUMBER 7

Inilarawan nila si candidate number three bilang "sakto lang," "pwede o keri na" pero ang "chika" nga raw ay kulang sa experience ang nasabing kandidato.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Ahh. Kaya pala. Sana nag-training na lang muna, 'di ba?" Paalala ni John Lapus.

Nagtaka naman sila nang makapasok si candidate number seven.

Ani Lady Gagita, "'Yan 'yung malakas daw mama. Kaya lang, nagre-request, wala na daw Q&A," na agaran namang sinundan ng tawanan nilang apat.

Pagbibiro ni John Lapus, "Pwede ba 'yon, beauty contest na walang question and answer?"

Tinawag naman ni Lady Gagita si candidate seven bilang "ambisosya."

Dagdag pa ni John Lapus, kaya naman daw pala ayaw nito sa Q&A dahil nabubulol at paulit-ulit lamang ang sagot.

Ani John Lapus, "Bawal ang magnanakaw kahit beau-con lang 'yan." Sinagot niya ito matapos sabihin ni Macoy na ang chismis ay nananakawan ang ibang kandidata kung sumasali ito sa mga patimpalak.

Tuwang-tuwa naman sila nang i-anunsyo na nakapasok si candidate number 10 sa finalists.

Nagkaisa naman sila kay candidate number 10 at sinabing bet na bet nila ito dahil "chukchakera" ito, "winner" sumagot, maganda na, at matalino pa.

Ani JR Follero, kung hindi manalo si candidate 10, "luto" ang laban at kung manalo naman si candidate seven, "budol." ito.