Hindi pa rin makapaniwala si R&B Prince Jay R kasunod ng kanyang pag-awit ng national anthem ng Amerika sa naganap na Clippers vs. Jazz match sa Crypto Arena kamakailan.

Ibinahagi ng Pinoy international recording artist sa kanyang YouTube channel ang kabuuan ng kanyang pag-awit sa national anthem ng Amerika sa naganap na NBA game noong Marso 29.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kumanta siya ng national anthem kaya’t dream come true na maituturing para kay Jay R ang naging karanasan na ito.

“As a kid I’ve always dreamed of it and in this video I’m finally there. What a dream come true. But the dream doesn’t stop there. Let’s keep it going!!” mababasa sa description ng kanyang Youtube video.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagpasalamat din ang singer sa  mga nag-cheer at sumuporta sa kanya. Inulan din ng pagbati at papuri ang kanyang buong performance sa YouTube.

Sa Glendale, California ipinanganak si Jay R.