Naka-move on na raw agad ang Kapamilya actor sa na si Carlo Aquino sa matapos ang napabalitang hiwalayan nila ng kanyang partner na si Trina Candaza.

Hinahangaan ngayon ni Cristy Fermin si Carlo dahil hindi raw ito nagpalunod sa umugong balita kaugnay ng hiwalayan nila ng live-in partner at online personality na si Trina.

“Saludo ako sa kanya dahil sinusunod niya ang batas ng buhay na para tayo maka-igpaw sa ating kalungkutan at problema, ang dapat lang natin nakakasama ang [mga] taong positibo ang takbo ng isip. Yung magandang impluwensya at magpapalimot sa atin ng isang masaklap na nakaraan,” saad ni showbiz commentator Cristy Fermin sa episode ng Cristy Ferminute nitong Biyernes.

“Inaliw niya ang kanyang sarili sa iba’t ibang libangang panlalaki, ’di ba. Tapos sumama siya sa mga taong matatawag nating good influence,” dagdag na saad ni Cristy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa serye ng mga Instagram posts ni Carlo, makikita ang mga pinagkakabahalan ng aktor nitong mga nagdaang linggo kabilang ang kanyang hilig sa pagbiyahe gamit ang kanyang sasakyang motor.

Larawan mula Instagram ni Carlo Aquino

Bagaman hindi pa raw lubusang limot ni Carlo ang naging relasyon niya kay Trina, at aminado itong mahal pa niya ang ina ng kanyang anak, pinili umano ng aktor na magpatuloy sa buhay na may positibo pa ring pananaw, sey ni Cristy.

Dagdag ni Cristy, “in speaking terms” umano ang dalawa para maging co-parent sa kanilang anak na si Baby Mithi.

Bibida si Carlo sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na “How To Move On In 30 Days” kasama si Maris Racal.