Itinuturing na 'wedding of the year' ang pag-iisang dibdib nina 'Crash Landing On You' stars Hyu Bin at Son Ye-Jin ngayong Marso 31, 2022, sa Aston House of the Grand Walkerhill Seoul Hotel, na magaganap ng 4PM, Korea Standard Time.

Sina Hyun Bin, 39, at Son Ye-jin, na kaka-40 lamang noong Enero 11, ay lumagay na sa tahimik matapos ang pag-aming couple na sila noong Enero. 1, 2021. Nagsimulang maging totohanan ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa, dahil sa hit Korean drama na 'Crash Landing on You,' na umere mula Disyembre 2019 hanggang Pebrero 2020.

Personal na inamin ng Korean actress na si Son Ye-jin ang kanilang relasyon ni Hyun Bin matapos isiwalat ng digital news site ang relasyon nilang dalawa at kumpirmahin ng kani-kanilang agencies.

“I’m thankful for being able to meet a good person and I will try to take care of it (relationship),” pagbabahagi ng aktres patungkol kay Hyun Bin, sa kaniyang Instagram post noong Enero 1, 2021.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Why do I feel so embarrassed to appear before you with my personal story rather than work for the first time. Hmm…um…uh… Yes it is. Haha. Um… I don’t know what to say but I think I have to say something to you. It’s too awkward and weird,”pakukumpirma sa kanilang relasyon," aniya pa.

Samantala, trending na sa Twitter ang hashtag na #TheBinHinWedding.

Silang dalawa ang naging inspirasyon ng singer couple na sina Daryl Ong at Dea Formilleza sa kanilang prenup photoshoot.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/26/daryl-ong-at-fiancee-na-si-dea-formilleza-crash-landing-on-you-ang-peg-sa-prenup-photoshoot/">https://balita.net.ph/2022/02/26/daryl-ong-at-fiancee-na-si-dea-formilleza-crash-landing-on-you-ang-peg-sa-prenup-photoshoot/

Ikinasal na rin sila noong Marso 12.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/daryl-ong-dea-formilleza-kasal-na/">https://balita.net.ph/2022/03/14/daryl-ong-dea-formilleza-kasal-na/