Pinag-aaralan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng motion for reconsideration kaugnay ng pagkakabasurang kasong kidnapping laban sa isang community doctor at aktibista na inakusahang lider ng mga rebelde.

“We just had coordinated with the unit who arrested Dr. Natividad [Castro] and they’re already studying the, some of the legal options that the PNP [has] relative to this case,” pahayag ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Huwebes.

“Our lawyers, the PNP lawyers are studying other legal recourse to at least file a motion for reconsideration to support the motion for reconsideration earlier filed by the prosecutor’s office,” anito.

Matatandaang inaresto ng pulisya si Castro sa kanyang bahay sa Maynila noong Pebrero 18 alinsunod na rin sa isang court order sa kasong kidnapping.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inakusahan siyang miyembro ng central committee ngCommunist Party of the Philippines. Gayunman, itinanggi ito ng kanyang mga kaanak.

Nauna nang inihayag ng human rights group na Karapatan na "gawa-gawa" lamang ang kaso laban kay Castro nang imbestigahan nito ang mga paglabag umano sa karapatang-pantao sa Mindanao habang ito ay nagpapatayo ng community health center sa rehiyon.

Ibinasura ni Bayugan City Regional Trial Court Judge Fernando Fudalan, ang kaso laban kay Castro dahil sa procedural grounds.

Paliwanag ni Fudalan, hindi binigyan ng due process si Castro matapos mabigo ang piskalya na ipatawag ito para sa preliminary hearing ng kaso.

"A preliminary investigation without a subpoena being issued to the respondent is offensive to due process," ayon kay Fudalan.

Bukod dito, nabigo rin aniya ang prosecutor na ilahad sa reklamo ang papel ni Castro sa umano'y pagdukot sa isang miyembroCivilian Active Auxiliary ng Philippine Army.