Kilig na kilig at pagkaluwang-luwang ng ngiti ni Unkabogable Star Vice Ganda nang magbigay ng mensahe para sa kaniyang 46th birthday ang mister na si Ion Perez, ngayong Marso 31, sa kanilang noontime show na 'It's Showtime'.

Matalik na kaibigan ang turing ni Ion kay Vice, bukod pa sa pagiging misis nito at partner in life.

“Araw-araw naman niyang naririnig [mula] sa akin ito kasi sa tuwing magdarasal kami, lagi kong ipinagdarasal talaga na bigyan pa kami ng mahabang panahon para magsama,” pahayag ni Ion.

“At siguro, ang masasabi ko sa ‘yo, babe, paulit-ulit kitang pipiliin. Kahit sa kabilang-buhay, baka ikaw yung piliin ko pa rin. Ang maipapangako ko lang, yung buong pusong pagmamahal ko sa ‘yo at tapat."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Yun lang, babe.Thank you, babe, I love you," sey pa nito.

Syempre, hindi naman nawala ang pagbati ng kaniyang mga co-hosts sa programa.

Ibinahagi naman ni Vice sa kaniyang IG stories ang mga natanggap na balloons at sorpresa mula sa iba't ibang mga tao para sa kaniyang kaarawan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/14/love-truly-wins-ang-nakakikilig-na-wedding-vows-nina-vice-ganda-at-ion-perez/">https://balita.net.ph/2022/02/14/love-truly-wins-ang-nakakikilig-na-wedding-vows-nina-vice-ganda-at-ion-perez/

Matatandaang isang araw bago ang pagdiriwang ng Valentine's Day ay may unkabogable pasabog sina Vice Ganda at Ion sa kaniyang latest vlog, kung saan inamin niyang ikinasal na sila noong Oktubre 2021 sa Las Vegas, USA.

Kung babalikan, nagkaroon ng concert tour si Vice noong Oktubre at kasama niya rito si Ion. Napabalita ang kanilang kasal subalit wala naman silang kinumpirma tungkol dito, bagama't paminsan ay 'asawa' na ang pakilala ng comedy star kay Ion.

Ngunit nitong Pebrero 13 ay ibinuking na nga ni Vice na totoo ang mga bulung-bulungan noon pa man. Ginanap ang kanilang kasal sa The Little Vegas Chapel. Legal ang pagpapakasal ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa US.

Mayo 2018 nang unang magkrus ang mga landas nina Vice at Ion sa programa niyang night talk show na 'Gandang Gabi Vice.' Si Ion ay kontesero sa mga pageants.

Napabilang si Ion sa It's Showtime bilang 'Kuya Escort' sa segment na 'Miss Q&A' noong Setyembre. Simula noon ay napabalita na ang pagde-date ng dalawa.

Oktubre naman ng taong 2019 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon, sa pamamagitan ng kanilang 'Magpasikat'.