Isa sa mga hinuhulmang sexy actor ngayon si Sean De Guzman at talaga namang kahit baguhan ay talagang game na game sa mga hubaran at jugjugan scenes sa kaniyang mga pelikula na mapapanood sa Vivamax.

Ibinahagi ni Sean ang mga hindi malilimutang karanasan sa shooting day ng mga pelikulang ito, sa ginanap na virtual media conference para sa pelikulang 'Iskandalo' kasama si AJ Raval.

Unang araw pa lang daw ng shooting, maaalab na mga eksena na kaagad ang kinunan nila. Maaga pa lamang daw ay kinatok na siya ng staff sa kaniyang tinutuluyang kuwarto. Napasabi pa nga raw siya na ang ganda ng almusal niya. Naubos ang lakas niya dahil puro jugjugan scenes nga ang ginawa nila noong araw na iyon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

MOVIEGOER: 'Hugas:' How actors wash, clean up before and after sex scene – Manila  Bulletin
Sean De Guzman (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Natanong din ang aktor kung may kinasangkutan na siyang iskandalo.

"Naiskandalo na rin po, pero hindi sex scandal. Hindi ko na pinatulan kasi hindi naman halata na ako iyon. Hindi naman kita yung mukha ko. (tawa), Joke lang!” pagtatapat ni Sean.

Kung sakali man daw na totoo, huwag na lang daw patulan, kasi natatabunan naman daw ng iba pang mga iskandalo, pagbibiro pa ng sexy actor. Aniya, sana raw, huwag na lang ikalat ang mga scandal videos kung mayroon man, lalo't mabilis na ang sharing ngayon sa social media.

Matatandaang may kumalat na intrigang may private video umano ang aktor na talaga namang dinumog ng mga netizen.

Naging usap-usapan din ang maiinit na eksena nila ni AJ sa pelikulang 'Hugas'.

Masaya naman si Sean dahil nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang mga mahuhusay na direktor na sina Ramon Perez Jr. para sa Iskandalo, at si Joel Lamangan naman para sa 'Island of Desire'.

Mapapanood na ang 'Iskandalo' sa Abril 10 at sa Abril 1 naman ang 'Island of Desire' sa Vivamax.