Nagpahayag ng pagsuporta ang dating Kapamilya star at ngayon ay 'Lunch Out Loud' host na si Billy Crawford ng pagsuporta kay presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.

Batay sa isang video na ibinahagi ng isang media company, makikitang inilalahad ni Crawford ang dahilan kung bakit si Isko ang manok sa darating na halalan. Aniya, crucial daw at hindi magiging madali ang magiging trabaho ng mga susunod na lider ng bansa lalo't paahon na tayo sa pandemya. Marami raw ang nangangarap at nangangako, subalit para sa TV host, isang lider ang mangingibabaw sa kaniyang balota.

"Gusto ko ng pagbabago, hindi lang sa salita, pati na rin gawa," saad nito.

"Kailangan natin ng simpleng gobyerno para sa ikauunlad ng bawat Pilipino. Kailangan natin ng lider na kayang humarap sa anumang pagsubok. Lider na kayang punan ang mga pangangailangan ng mahihirap," aniya pa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Palagay daw ni Billy, si Isko ang lider na magpapahalaga sa edukasyon at kayang ipaglaban ang bansa.

"Kaya ako, sa darating na Mayo, masasabi ko, Isko ako," ani Billy.

Parehong nagsimula sa 'That's Entertainment' sina Isko at Billy, ng yumaong TV host na si German Moreno o 'Kuya Germs'.

Ang mga celebrity na nagpakita pa ng pagsuporta kay Isko ay sina Vivian Velez at Mocha Uson.