Naglaan ng₱7 milyon ang Department of Agriculture (DA) para sa ayuda ng mga magsasaka at mangingisda sa Batangas na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.
Sa isinagawang Talk to the People na isinahimpapawid nitong Miyerkules, sinabi ni DA Secretary Arnel de Mesa na ang nasabing tulong ay pakikinabangan ng 1,561 na magsasaka at mangingisda, karamihan ay lumikas na sa Banyaga at Bilibinwang sa Agoncillo.
“Ang ating pongregional officesatBureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR),naghanda ng₱7 million na handa po nating ipamigay," anito.
Kabilang sa nasabing tulong ang 1,401 sako ng inbred seeds, 500 kilos ng mais, 250 kilos ng iba't ibang binhi ng gulay at 1.5 milyong tilapia at fingerlings nito.
Gayunman, ipinaliwanag ng DA na maglalabas sila ng₱200 milyon mula sa quick response fund kung lalala pa ang pagputok ng bulkan.
Bukod dito, binanggit din ng opisyal ang iba pang programa para sa mga magsasaka at inilabas na ang budget nito mula saDepartment of Budget and Management (DBM).
“Inilabas na po ng DBM ‘yung ating₱500- million fuel discount programat ‘yun pong atingRice Farmers Financial Assistancengayong taon na nagkakahalaga po ng₱8.9 billion.Ito po ay malaking tulong kung sakaling magpapatuloy ang problema ngTaal Volcano," sabi pa nito.
Matatandaang isinailalim sa Alert Level 3 ang bulkan matapos maitala ang phreatomagmatic eruption nito noong Marso 26 kung saan halos 5,000 residente na ang nailikas.