Mariing pinabulaanan ni “Wowowin: Tutok Para Manalo” host Willie Revillame ang mga kumakalat na chikang naiinip na raw siya sa pagbubukas ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ng kaibigang si dating senador Manny Villar, nagsisisi, at nakikiusap sa pamunuan ng GMA Network kung puwede pa siyang makabalik, ayon sa balita ng isang online news website.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/28/willie-napasubo-nagsisisi-raw-gustong-bumalik-sa-gma-network/">https://balita.net.ph/2022/03/28/willie-napasubo-nagsisisi-raw-gustong-bumalik-sa-gma-network/

Matatandaang sinabi na mismo ni Willie ang mga dahilan kung bakit hindi na siya nag-renew ng kontrata sa Kapuso Network. Huling episode ng Wowowin sa telebisyon noong Pebrero 11, 2022.

Binasag na nga ni Willie ang kaniyang katahimikan nitong Marso 28, Lunes, sa kaniyang YouTube channel.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“Hindi ko na papatulan ang mga negative. Kung nakakabasa kayo ng fake news, huwag na lang pansinin ‘yan, naku, mahirap na lang magsalita," aniya.

“Hindi ako naaapektuhan diyan, whatever you say, alam namin kung ano ang totoo, ang programang ito ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga kababayan,” saad pa nito.

"Saka huwag n'yo ako isusulat sa Bilyonaryo (website na unang nagsiwalat ng isyu), hindi ako bilyonaryo, hindi ako businessman na bilyonaryo, simple lang po ako, masinop lamang ako sa buhay.”

“Last week may mga lumalabas sa diyaryo, sa mga bilyonaryo na news diyan. Dapat reliable ang source n'yo, kasi napi-fake news kayo. Sayang lang yung news n'yo… kahit anong sabihin n'yo sa aking masama, walanghiya, wala sa akin ‘yan."

“Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo. Di ba, 'yun ang importante?” pagtutuwid pa niya.

Ganyan din ang paliwanag naman ni Cristy Fermin sa bagong showbiz vlog niyang 'Showbiz Now Na'. Nakausap daw niya si Willie tungkol dito. Abalang-abala umano ang TV host sa kaniyang YouTube channel.

Tumatanaw din umano ng utang na loob si Willie sa GMA Network at maayos naman daw ang relasyon nila ng mga bossing doon.

“Nagbabalitaan sila. Pero yung pagbabalik sa GMA-7, wala sa bokabularyo niya," ani Cristy.

Samantala, ibinalita rin ni Willie na hindi cancerous ang mga polyps na natagpuan ng mga espesyalista sa kaniyang colon at stomach.