Ibinahagi ni Ana Jalandoni ang kaniyang side story ng insidente ng pambubugbog sa kaniya ng nobyong si Kit Thompson, sa pamamagitan ng isang media conference na naganap nitong Marso 28, 2022, Lunes ng hapon, sa isang lugar sa Sct. Borromeo St., Quezon City.

Sinamahan si Ana ng kaniyang tatlong abogado pati na ang kaniyang tatay, upang mailahad na ang dahilan ng pananakit sa kaniyang ng nobyong aktor, na nakalaya na kamakailan sa pamamagitan ng piyansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/kit-thompson-pansamantalang-nakalaya-dahil-sa-piyansang-72k/">https://balita.net.ph/2022/03/22/kit-thompson-pansamantalang-nakalaya-dahil-sa-piyansang-72k/

Batay sa pagsasalaysay ng aktres, pareho silang lasing ng nobyo habang naka-check in sila sa isang hotel sa Tagaytay kung saan na-rescue ito. Naganap umano ang insidente noong Marso 17, 2022. Selos umano ang naging puno't dulo ng away. Pinagselosan umano ng nobyo ang kaniyang ex-husband. Hiwalay na umano sila noon pang 2018.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/18/sexy-starlet-ana-jalandoni-binugbog-ikinulong-umano-ng-jowang-si-kit-thompson/">https://balita.net.ph/2022/03/18/sexy-starlet-ana-jalandoni-binugbog-ikinulong-umano-ng-jowang-si-kit-thompson/

Napunta sila sa ganoong usapan dahil may plano raw sanang pakasalan ni Kit si Ana. Mahal na mahal daw siya ni Kit, at siya raw ang nais na iharap nito sa dambana. Mahal na mahal din naman daw ni Ana si Kit.

"Tapos po, sabi niya mahal na mahal niya ako, ganun din ako sa kanya. Tapos po, may pina-delete po ako sa kanya na mga pictures namin sa social media. Tapos, naging okay naman po yung usapan namin," wika ni Ana.

Hanggang sa mabanggit ni Kit ang tungkol sa kaniyang dating mister. Dito na raw siya binantaan ni Kit na papatayin kapag hiniwalayan daw siya ng nobya.

"And then, ang next na po niya na tanong sa akin, 'Iniwan mo yung ex mo, di ba? Di ba, hiniwalayan mo siya?' 'Ako, pag iniwan mo ako, patayin kita.' Tapos, sabi niya, 'Akin ka lang, hindi ka puwedeng mapunta sa iba'" emosyunal na pagkukuwento ni Ana.

"Kaya nang sinagot ko siya, sabi ko sa kanya, 'Mahal kita, hindi kita iiwan, alam mo ‘yan.'"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/ana-jalandoni-may-ex-husband-na-pala-kit-may-pinagselosan-nga-ba/">https://balita.net.ph/2022/03/21/ana-jalandoni-may-ex-husband-na-pala-kit-may-pinagselosan-nga-ba/

Matapos nito ay lumabas siya ng kanilang unit para tawagan ang isang kaibigang babae na pinangalanan niyang 'Victoria'. May kahinaan daw kasi ang signal sa loob ng kanilang hotel room kaya nagtungo siya sa pangatlong palapag ng hotel upang makausap ang kaibigan. Sa puntong ito, nagising daw si Kit, lumabas ng kuwarto, at hinanap ang nobya.

Sa pamamagitan daw ng isang babaeng sekyu ay natunton ni Kit si Ana. Binitbit daw siya ni Kit pabalik ng kanilang kuwarto. Inakala raw ni Kit na iiwanan siya ni Ana.

Paghiga raw nila sa kama, agad daw siyang sinampal ng nobyo. Dito na nagpaliwanag si Ana kung bakit kinailangan niyang magtungo sa pangatlong palapag ng hotel. Nagalit daw si Kit nang iwanan niya ito.

Lagpas alas-singko ng hapon ng Huwebes, Marso 17, nangyari na umano ang bugbugan. Lagpas 7:00 ng gabi naman nang dumating ang mga pulis sa hotel para iligtas si Ana. Nagising daw si Kit dahil sa pagdating ng mga pulis.

Kuwento pa ni Ana, habang tulog ang nobyo matapos ang pambubugbog nito, sinamantala na ito ng aktres para makahingi ng tulong sa isang kaibigan sa pamamagitan ng FB Messenger. Marami nang pasa sa kaniyang mukha si Ana kabilang na ang bandang mata, kaya hirap na siyang makakita kung ano ang mga nai-chat niya.

Hindi lingid sa kaalaman ni Ana na may problema sa anger management ang nobyo.

Nagpadala naman ang talent manager ni Kit kay Ana ng pulumpon ng mga bulaklak at liham nang nasa ospital na ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/manager-ni-kit-thompson-may-pa-bulaklak-kay-ana-jalandoni/">https://balita.net.ph/2022/03/22/manager-ni-kit-thompson-may-pa-bulaklak-kay-ana-jalandoni/

Naibahagi pa niya sa Instagram ang kaniyang mga litrato matapos siyang bugbugin ng nobyo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/18/ana-jalandoni-sa-umanoy-pagmamalupit-ni-kit-if-you-love-someone-you-will-never-harm-them/">https://balita.net.ph/2022/03/18/ana-jalandoni-sa-umanoy-pagmamalupit-ni-kit-if-you-love-someone-you-will-never-harm-them/

Samantala, wala pang kontra pahayag o tugon ang kampo ni Kit tungkol dito.