Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Marso 29.

Sa pangunguna ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes, magtataas ito ng P9.40 ang presyo ng kada litro ng kerosene, P8.65 sa presyo ng diesel at P3.40 naman sa presyo ng gasolina nito.

Agad itong sinundan ng Seaoil, Cleanfuel at Petro Gazz na magpapatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa kanilang petrolyo.

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nitong Marso 22, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng big-time price rollback na P11.45 sa diesel, P8.55 sa kerosene at P5.45 naman sa gasolina.