Kritikal ngayon sa ospital ang isang single mother matapos umanong pagsasaksakin ng 10 beses ng isang kapitbahay na pumasok sa kanyang bahay sa Sucol Gitna, Barangay San Sebastian sa Hagonoy, Bulacan noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Aileen Dalora Fernando, 43 anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Fernando kasama ang kanyang pinsan na si Marie Fernando dela Cruz, 21, ay kararating lamang sa bahay dakong 8:30 ng gabi mula sa isang singing engagement sa Barangay San Roque, sa Hagonoy, Bulacan din, nang mahuli niya ang suspek na si Joemarie Martin Mora, 29, sa loob ng banyo.

Naganap ang suntukan sa pagitan ng biktima at ng suspek na naging dahilan upang sumigaw ng tulong ang magkapatid ni Fernando habang agad namang lumabas ng bahay si Marie at humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bumunot ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ng ilang beses sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan si Fernando hanggang sa matumba ito sa sahig.

Nagmamadaling tumakas si Mora sa pag-aakalang patay na ang biktima.

Isinugod ang biktima sa Emilio District Hospital sa Hagonoy, habang nakorner naman ang suspek ng mga rumespondeng opisyal ng barangay at mga pulis.

Sa imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya na ang suspek ay gumagamit ng droga at lulong sa e-sabong.

Inihahanda na ngayon ang mga kasong attempted robbery at frustrated homicide para sa pagsasampa laban sa suspek, sabi ng pulisya.

Freddie Velez